Pagkakaibigan
Madilim na langit at sobrang lamig,
Nakikinig lamang sa munting himig.
Ngunit hindi lamig ang saki'y magpapamanhid,
Ramdam ko ang kanyang titig.
Hindi kami magkakilala,
Hindi pamilyar pangalan nya o mukha,
Kaya ako ay nagtataka.
Sino ba sya?
Nagulat ako nang ako'y bigla nyang lapitan,
Kamay nya nung una ay akin lang tinitigan,
Ngunit sinabi ko rin aking pangalan,
At nakipagkamay bilang pakikipagkaibigan.
Hindi ko na namalayan,
Tuwing bakanteng oras tayo ay magkasama.
Sobrang daldal ko sa kaibigan,
Pero parang hindi ka naiingayan.
Minsan ako'y naubusan ng kwento,
Ako naman ang nakinig sayo,
Doon ko mas napansin ang lahat,
Ang dami nating pagkakaiba't pagkakapareho.
~~~
Minsan, sa hindi natin inaasahang pagkakataon, mayroon tayong mabubuong connection na sa sobrang unexpected pero gugustuhin mong protektahan.
Kaydeil||2022
~~~
Tayong dalawa ay naging malapit na magkaibigan,
Ikaw ang laging kausap at kakulitan.
Natatakot sa pagbabago ng samahan,
Kaya ayokong ito ay higitan.
May minsang aking gustong ikaw ay diretsuhin,
Na gusto kitang tanungin,
Pero nagdadalawang-isip ako,
Natatakot sa kumpirmasyon ng sagot mo.
Gusto kong manatili kung ano tayo,
Ayoko sa mga bagay na di sigurado.
Gusto kong manatiling kaibigan mo,
Sana yun rin ang nais mo.
Sa ngayon na hindi kita madiretso,
Gagawin ko muna ang lagi kong sagot sayo,
Isusulat ko muna lahat ng naisip ko,
Saka ko na sasabihin pag handa na tayo.