9.25.2020
Kauuwi ko lang mula sa Group namin, kanina sa room namin ang gulo. Naglolokohan kasi sina Ate Rose at Kuya Tres.
Nag-aasaran sila tungkol sa love life, binibiro ni ate Rose si Kuya Tres na mahal daw niya si Kuya Tres. Maya-maya nag-away na sila, parang mga bata, mga administrator pa naman sila pareho kaya pansinin talaga.
Pero ewan ko ba pero nacu-cute-tan ako sa ginagawa nila. Parang aso at pusa sila pero halata na may pakialam sila sa isa't-isa. Siguro dahil narin matagal na silang magkaibigan.
Napaisip tuloy ako tungkol sa sinasabi nilang love at first sight kahit wala namang kinalaman sa nangyayari, wait meron pala kasi sabi ni Ate Honey nung umalis na si Kuya Tres crush niya daw si Kuya Tres wag kaming maingay.
Siguro naisip ko na para lang yung love at first sight kahit na personally hindi ako naniniwala sa ganoon. Ewan ko kung bakit, NBSB naman ako kaya wala rin akong basis para sabihing hindi yun totoo.
Kung baga sa opinyon lang. Anyways, back sa topic shini-ship ko sina Ate Rose at Kuya Tres kahit na alam ko na biruan lang. Siguro gawa rin nung huling sinabi ni Kuya Tres bago siya nagpaalam na aalis muna.
Sabi kasi ni Kuya Tres mahalaga din daw sa kanya si ate Rose kaya yun, pero alam ko naman na medyo imposible kasi parang naka-set na yung goals nila at hindi isa ang pagkakaroon ng relationship doon.
Hayst. Ang bata ko pa para dito, balik na nga lang ako sa pagbabasa ng libro.
Kaydeil||2020