11.23.2021
Para naman akong broken, pero, hindi na ako broken kung maituturing, siguro masasabi kong ayos na ako. Hindi man ako tulad ng dati, pero mas ayos na ako ngayon kasi mayroon nang acceptance, mayroon nang pagpaparaya.
Natatawa ako pag naalala ko na nung panahong isinulat ko yung tulang 'yon, activity namin yon sa Filipino, kumbaga, pang-academic lang pero nagkaroon ng ibang meaning para sa akin.
Nagsimula na ulit akong magsulat, aaminin ko na minsan may parte parin sakin na di maiwasang maisip na binabasa nila yung mga sinusulat ko tulad ng ginagawa nila dati habang naggagawa ako ng bagong chapter.
Hindi naman din kasi yun madaling alisin, isipin mo, matagal rin akong nasanay na may taong nagbabasa ng sinusulat ko, hindi lang dahil sa mismong kweto kundi dahil sa akin mismo, nakakapanibago tuloy na ngayon hindi ko pwedeng kausapin ng direkta yugn nagbabasa tulad ng ginagawa ko noon.
Dati kasi pwede ko agad silang i-chat pagkatapos ko i-publish yung chapter ng kwentong sinusulat ko, ngayon naman di ko personal na kilala yung mga nagbabasa ng mga isinusulat ko.
Thankful parin naman ako, imagine, isang labing-limang taong gulang na mahilig magsulat lang ako, hindi man ako famous pero may nagbabasa ng mga storyang pinagbubuhusan ko ng nararamdaman at mga emosyon ko.
Minsan kahit ako napapailing kapag nakikita ko kung gaano kami kapareho o kaya naman ay gaano kalayo sa akin yung character ng kwentong isinulat ko, ganoon naman siguro talaga dahil ako ang nagsusulat kaya sumasalamin sa akin yung mga tauhan na ginawa ko.
Natutunan ko rin na minsan kahit gustong-gusto mo, may paraan ang mundo para sabihing hindi ito para sayo, o baka naman, hindi pa para sayo ngayon. There's always a perfect timing for everything. Huwag ka magmadali, kasi baka pag nagmadali ka, madapa ka at masugatan, masasaktan ka pa.
Masaya ako na yung dating hobby at pampalipas oras ko lang ang isa sa mga bagay na tumutulong sa akin na humakbang paunahan, na unti-unting bitawan yung mga bagay na basag na at hindi na dapat pang panghawakan dahil nakakasugat nalang.
Parang isang basag na kristal na kahit gaano pa kahalaga sa akin, dahil alam kong basag na at makakasugat nalang kung hahawakan ko pa kailangan nang bitawan pero hindi kailangang itapon at kalimutan. Pwede namang ilagay nalang sa isang clear na lagayang magpapaalala sa akin na pwede parin itong tingnan pero hindi na pwedeng hawakan.
Kaydeil||2021