Isa, dalawa, tatlo
Mga bata pa ba kayo?
Pareho kayong napakagulo,
Away nang away, pareho namang talo.Halata namang may paki sa isa't isa,
Bakit ba nag-iiwasan pa?
Pareho kayong takot may mag-iba.
Pareho kayong naduduwag pa.Dinadaan niyo pa sa sagutan,
Mga damdamin niyong di masabi-sabi.
Kaya kayo di nagkakaintindihan,
Kasi mga damdamin ay sinasarili.Parang mga aso at pusa,
Pagtatalo'y kabikabila,
Nagsasabihan nga ng 'Mahal Kita'
Biruan nga lang ba?Apat, lima, anim,
Kailan ba kayo aamin?
Idadaan nalang ba sa tingin?
O gusto niyong ipadama nalang ng hangin?~~~
Pag tinamaan ka ng palaso ni Kupido wala ka nang magagawa kasi mamahalin at mamahalin mo yung tao. Personally, hindi ako naniniwala sa love at first sight dahil ang LOVE nade develop yan through time.Kaydeil||2020
~~~
Kayo lang rin naman nasasaktan,
Bakit ba kasi kayo nagtataguan?
Mga damdaming nahulog ng tuluyan,
Wala na kayong magagawa diyan.Hanggang kailan niyo itatago?
Hanggang kailan niyo isisiskreto?
Halata naman ang damdamin niyo,
Halata ang pagpipilit umiwas sa pagbabago.Pagbabagong di maiiwasan,
Kahit na anong mapagdesisyonan.
Pareho ng nararamdaman,
Pilit itinatanggi't kinakalimutan.At pagpatak ng pito,
Pareho naman palang panalo,
Damdamin niyo pala'y pareho,
Nagkasakitan pa kayo.Nagturingang hanggang kaibigan lang,
Higit naman pala roon ang nararamdaman.
Walang mangyayari pag pinairal ang kaduwagan,
Kailangan nang magkaaminan.Ang dami niyong ginawang nakakahilo,
Pero kayo rin naman pala sa dulo,
Kayo sana'y maging tulad ng pinihit na walo,
Isang walang katapusang simbolo.~Kaydeil||2020
9/25