8.29.2020
Hindi ako naiyak. Haist yan talaga unang nailagay ko.
Sa totoo lang mahirap para sakin yung ginawa ko, pero alam kong mas mahirap yun para sa kanya.
May natutunan ako; maling madesisyon ng padalos-dalos.
Hindi lang ako yung nasaktan sa nangyari, alam ko, pero parang mas mabuti na rin yun.Alam kong mali, maling-mali na mag boyfriend ako ng di ako nililigawan sa bahay, maling mali na di ako nagpaalam sa parents ko pero di ko pinagsisisihan.
He's my first boyfriend but he wasn't my first heartbreak.
Parents ko. Sila ang first heartbreak ko. Sa ibang tao ko hinanap yung attention na hinihingi ko sa magulang ko, yung attention na alam kong walang kapalit na demands.
Wala akong ‘dapat ganito’, ‘dapat ganyan’, ‘kailangan ganito’, ‘kailangan ganiyan’ mula sa kanila. Walang expectations. Masakit kasi.Nahanap ko yung warmth and attention na yun mula sa mga kaibigan ko, sa mga naging best friends ko, sila ang naging pangalawang pamilya ko kaya nung pumasok siya sa buhay ko, madali siyang nag-iwan ng marka.
Pero di ko rin inakalang siya ang magiging dahilan kung bakit kami mag-aaway ni Arie, ng best friend ko.
Bata pa ako, alam ko.
Ano ba naman kasing alam ng isang tulad kong 12 years old lang noon tungkol sa pag-ibig, pag-ibig na yan?
Kaya nung nag-away kami ng best friend kong babae dahil sa kanya, pinili ko yung best friend ko.Play safe na kung play safe pero bago kasi siya naging parte ng buhay ko, kaibigan at may samahan na kami ni Arie, bago niya iparamdam sakin kung paano maging priority at ituring na prinsesa, best friend ko na si Arie.
Hindi ko kayang ipagpalit yun para sa kanya pero na realize ko na tama yung ginawa ko kasi nagkaroon naman siya ng bago.Pagkatapos ng halos tatlong taon, nagkausap na ulit kami, nagkaroon ulit kami ng komunikasyon. Naging masaya naman, para ngang mas naging sweet pa siya sakin kaysa dati pero parang may wall, may limitation na. Hanggang sa isang araw, parang nagbigay na siya ng hint na nanliligaw na siya, akala ko nung una biruan lang kasi syempre nagkaroon na siya ng dalawang bago.
Nagpatulong pa nga siya sakin na mag move on mula dun sa naging girlfriend niya bago yung recent kaya akala ko biro lang.
Nung naging kami, una kong sinabihan yung mga kaibigan ko, hindi alam ng parents ko o ng kahit na sino sa family siguro yung pinsan ko may clue na na may nanliligaw sakin during that time dahil sa mga mina-my day ko pero hindi parin yun sapat para patunayan na may boyfriend na ako.
Akala ko kaya kong itago kasi for almost five years, magmula nung mag grade 5, kinaya kong magsikreto mula sa parents ko. Akala ko lang pala.
Guilt.
Conscience.
Confusion.Tatlong dahilan kung bakit ako nakipaghiwalay. Ayaw ng magulang ko na mag boyfriend ako ng di nila nalalaman, alam ko naman yun, pero sumuway ako.
Kinausap ako nung mga bago kong best friend, ang tragic lang na yung samahan na pinili ko noon ay di rin nagtagal, pero ayos lang.
Tinanong ako ni JD, nung best friend kong babae at ni Dy best friend kong lalaki, kung seryoso ba daw kami sa relasyon namin, alam nila yung sitwasyon kaya sabi nung isa sa kanila na baka daw na pressure lang ako kaya ko sinagot ko na baka daw hindi ko talaga mahal yung tao, baka in love lang daw ako sa idea na in love ako sa taong yun at hindi ko naman talaga mahal.Dumagdag pa yung pressure na parang nakakaramdam na yung parents ko at kapatid ko na may iba kasi nung ini recall ko yung mga naging kilos ko para kasing medyo naging halata. Madalas nakaharap ako sa phone minsan tatawa, ngingiti, o kaya kikiligin ako mag-isa, siguro napapansin rin nila na madalas ay nagta type ako kaya imposibleng Wattpad kaya na realize ko na alam na nila.
Kaya nagdesisyon ako na makipaghiwalay nalang. Ang insensitive ko, alam ko, di ko manlang inisip yung nararamdaman niya pero kasi nagi guilty na ako. Akala ko kaya ko nang magsikreto, magsinungaling ng di nagi guilty pero tao nga pala ako, may conscience at nakakaramdam ng guilt.
Aaminin ko, ikaw lang naman diary ang nakakaalam, mahal ko parin siya.
Mahal na mahal. Siya parin hanggang ngayon.
Kaydeil||2020