Sa mundong patuloy na nagbabago,
Ikaw ang naging sagot sa aking mga bakit at paano.
Puso'y dapat bang ipagkatiwala sayo?
Kung simula palang ay walang kasiguraduhang may tayo?
Ugnayan nati'y di ko alam kung ano,
Kung meron bang ikaw at ako?
O sadyang pagkakatao'y mapaglaro,
Pinapaasa itong ating mga puso.
Saan ba nagsimula itong ating kwento?
Ah, tama, sa simpleng laro.
Larong ginawa mo yatang seryoso,
Kasi hindi mo naman binitawan ang kamay ko.
Tadhanang sadyang napakamapaglaro.
Mga ugali nati'y napakalayo.
Tinulungan mong muling tumayo,
Pero hindi inaasahang nahulog sayo.
~~~
Minsan kahit gustong-gusto mo, may paraan ang mundo para sabihing hindi ito para sayo, o baka naman, hindi pa para sayo ngayon. There's always a perfect timing for everything. Huwag ka magmadali, kasi baka pag nagmadali ka, madapa ka at masugatan, masasaktan ka pa.
Kaydeil||2021
~~~
Ating relasyon ay malabo.
Ano ba kasi talaga tayo?
O mas tama yatang itanong ko,
Mayroon bang tayo?
Sa dami ng sa atin ay naglalayo.
Napapatanong na ako,
Tama pa bang ipagpatuloy 'to?
Patuloy parin ba akong hahawak sa kamay mo?
Sinasalungat na yata tayo ng mundo.
Mahirap tanggapin pero ito ang totoo,
Walang kasiguraduhang may ikaw at ako,
Kaya, paano ang ating mga plano?
Hindi ako naniniwalang nasa maling panahon tayo,
Kasi walang maling panahon sa tamang tao.
Maniniwala pa ba ako sa mga pangako mo?
Hindi kaya, dapat bumitaw na ako sayo?