1.13.2021
13 days mula nung New Year, aaminin ko na hindi naging ganon kaganda para sakin yung 2020. Ang daming nangyari.
Pandemic, nasaktan ako nung nawalan ako ng communication sa twin sis ko, tapos nagbreak kami, at siguro yung pinaka masakit ay yung nawala sya.
Pero hindi ibig sabihin nun ay wala nang magandang nangyari sa buong 2020 ko.
Nagkaroon ng quarantine dahil sa pandemic pero para sakin hindi naman yun masyadong nakakalungkot kasi mas nagkaroon kami ng time para sa pamilya.
Nawalan ako ng communication sa twin sis ko pero dahil doon ang dami naming naging realizations. Nag-grow kami, hindi kasi namin napansin na unti unti we're holding each other back at mali yon kasi wala kaming matututunan kung mananatili kami sa safe zones namin.Naging kami, syempre paano kami magb-break kung walang kami, diba? Masakit yung nangyari, lalo na nung nawala sya ang dami kong naging what if, if only at kung anu-ano pa. Masakit parin sakin kapag naaalala ko pero naiisip ko na hindi nya magugustuhang masaktan ako ng dahil sa kanya, na mabasag ako ng dahil sa kanya.
Ngayong 2021, hahakbang na ako paunahan. Hindi naman ibig sabihin na dahil magmu-move forward na ako ay makakalimutan ko sila. Mahirap gawin sa totoo lang pero kasi narealize ko na ako nalang yung nananakit sa sarili ko. Na ako nalang yung bumabalik balik kahit na alam kong masasaktan ako.
Noon, sinasabi ko sa sarili ko na pinipilit kong gawin yung pinangako ko kay Cassie noon pero nung binalikan ko yung mga ginagawa ko noon, narealize ko na hindi ko pala nagagawa. Na niloloko ko lang yung sarili ko.
Sabi nga nila, there's a process for everything, at ngayon ay nasa simula palang ako ng prosesong iyon. Unti-unti ko nang inaalis yung negative habit ko na pag nasasaktan ay bumabalik ako doon sa nakaraan, na natatakot akong harapin yung kasalukuyan kasi alam kong masasaktan ako kaya bumabalik ako sa nakaraan kung saan kahit masaktan ako alam ko na may masasandalan ako, na may tumutulong sakin na pagaanin at pagalingin yung sakit. Maling mali kasi yon.
Natakot ako na makalimutan ko sila, na makalimutan nila ako, na maiwan ako kaya hindi ko namalayan na habang nakahawak ako sa mga ala-ala namin, nawawala yung sarili ko.
Oo, nandoon parin yung ako, pero unti-unti kong naisip kung ako pa ba talaga yun o pinipilit kong maging yung ako nung nandito pa sila, nung tinutulungan pa nila akong buoin at kilalanin yung totoong ako.
Dun ko naisip na sa sobrang pagksanay ko na may sumasaway sakin kapag nagpapanggap ako para maimpress yung parents ko, nakalimutan ko na kung paano ba maging ako.
Buo na ako, pero ako na pala mismo yung unti-unting sumisira ulit kasi bumabalik ako doon sa mga ala-ala na nanakit sakin kasi alam ko na nung mga panahong yun, nandoon sila, nandoon sila para maging sandigan ko, para tulungan ako.
Hindi ako mag-isa pero ako yung lumalayo kasi natakot ako na mapalitan sila tapos naisip ko, hindi naman sila mapapalitan kahit magpapasok ako ng tao sa buhay ko. Hindi naman sila mapapalitan kahit magkaroon ako ng ala-ala kasama yung ibang tao, kahit maging masaya ako kasama yung ibang tao kasi nasa puso ko na sila.
Yung mga ala-ala namin, walang pwedeng kumuha nun mula sakin, walang pwedeng pumalit sa kanila sa mga ala-alang yun.Yun yung paulit-ulit nilang gustong matutunan ko na akala ko, akala ko alam ko na pero yun pala alam ko LANG pero hindi ko ginagawa.
Nagkausap na ulit kami, o mas tama bang sabihing nagkaroon na kami ulit ng komunikasyong panandalian lang ni ate, ng twin sis ko, mali siguro na ganon parin ang tawag ko sa kanya kasi ako yung nagpahirap sa kanya kasi hinila ko sya pabalik ng paulit ulit kasi natakot ako naiwan pero sabi nya oras na para sarili ko naman ang palayain ko.
Sinabi nya ng diretso na hindi sya sigurado kung mananatili ba yung komunikasyon namin pero tanggap ko. Tanggap ko na kasi nakita ko kung paano sya nahirapan noon at nakita ko rin kung gaano na sya kaayos ngayon. Sinubukan kong tumulong pero sa huli nakagulo lang ako. Sinabi nya rin na, oo, posibleng yun na ang huling beses na magkakausap kami pero ayos na sakin. Masaya akong makitang ayos na sya, kasi sa lahat ng problema ko, lahat ng pag-iyak ko at halos pagsuko ko na, nandon sya, kahit na sya mismo nahihirapan din, kaya masaya akong makitang masaya na sya.
May mga tao kasi talaga na darating sa buhay mo para turuan ka, para itama ka, para palayain ka pero nasa sayo kung paano mo gagamitin yung mga itinuro nila dahil simula palang walang ibang makakatulong sa'yo kundi ang sarili mo.
Oo, maraming tao na pwedeng tumulong sa'yo pero anong silbi ng tulong nila kung ikaw mismo, ayaw mo tulungan yung sarili mo?
Masaya na sila, at alam ko na gusto rin nilang makita akong masaya at malaya. Malaya mula sa nakaraan.Masyadong vague ang New Year's Resolution ko ngayong taon pero alam ko sa sarili ko na yun ang kailangan at gusto ko. Hindi ko yun magagawa sa loob ng isang taon, oo, pero marami pang taon na darating para maipagpatuloy at magawa ko yun.
Gusto ko na one day kaya ko nang sabihin na masaya at okay na ako ng walang halong kasinungalinan at pagpapanggap sa sarili ko at sa mga tao sa paligid ko.
My New Year's Resolution for the Year 2021:
Be Purely and Peacefully Happy.
Kaydeil||2021