Ito ay hindi na sikreto.
Pinakaayaw ko ang pagbabago.
Hindi madali sa'king lumayo,
Lalo kung nasanay na sayo.Ngunit hindi ko gustong manakit,
Hindi ako ganon kamanhid,
Oo, hindi ako makaramdam ng pisikal na sakit,
Pero ramdam ko ang emosyon nyong mga nasa silid.Ramdam nila,
Kanila ring nakikita,
Pero walang naglalakas ng loob magtanong,
Tila ba naghihintay lang sila.Mga mata mong nagtatanong,
Hindi alam kung anong isasagot sayo,
Sinasabi kong ayaw kong saktan ka,
Pero alam kong ganoon ang ginagawa ng aking paglayo.Dahan-dahan,
Sabi ng iyong mga mata,
Iniwas ko ang aking tingin,
Di nais na saktan ka pa.Pabigla-biglang mga desisyon,
Pinaiiral ang mga emosyon,
Walang pakialam sa magiging epekto,
Natatakot lang sa pagbabago.Pero hindi ba nagbabago na nga?
Mismong itong paglayo ay pagbabago na.
Tila kasinungalingan na lamang,
Dahil nasaktan na kita, hindi ba?Ikaw at ako,
Humaharap sa pagbabago,
Dala ng paglayo,
At damdaming kinatatakutan ko.Pasensya ka na.
Hindi ko nais gawin ang di ko makita,
Kahit natuwa sa iyong presensya,
Nais kong iwasan ang komplikasyong ikaw ang simula.Makasarili kung iyong iisipin,
Ikaw naman ay tinuring na kaibigan,
Hihingi na lamang ng paumanhin,
Sa iyo ay paalam na lamang ang iiwan.Natutuwa akong makita kayong masaya,
Maraming sa'yo ay nakapaligid na,
Hindi ko nais na pakumplikahin pa,
Sasarilihin na lamang nadarama.Sayo sa umaga ay babati,
Dahil umaayaw sa yakap ang ibibigay ay ngiti,
Pero yon na lamang iyon,
Ang distansya ay mananatili.