KABANATA XV

32 5 0
                                    

XV: LOST TOGETHER


Kaba, takot at pagod ang nararamdaman ko habang magkahawak kamay kaming tumatakbo ni Sam palayo sa kinaroroonan ni Dad. Napa-tukod na lang ako sa tuhod dahil sa sobrang hingal ng huminto kami sa isang iskinita. Hindi ko alam kung nasundan ba kami ni Dad o hinayaan niya ulit akong makatakas.

"H-Hindi ko na kayang tumakbo Sam," nanghihinang ani ko sa kanya. Dahil sa sakit ko ay madali akong mapagod at isa ito sa mga pinaka kinakainisan ko.

Sumilip si Sam sa labasan nang iskinitang pinagtataguan namin. Tagaktak ang pawis niya at halatang kinakabahan. "Paparating na ang Dad mo, kailangan na nating makaalis dito para hindi niya tayo maabutan."

"Suko na ako Sam, hindi ko na kaya," pag-amin ko dahil pakiramdam ko ano mang oras ay babagsak na ang aking katawan.

Nagulat ako nang kapitan niya ang magkabilang balikat ko, malalam niya akong tiningnan. "Kaya natin 'to Lira. Malayo na ang narating natin para dito ngayon pa ba tayo susuko?" Dahil sa sinabi niya ay medyo nabuhayan ako. Tama siya, we gone though far for this escape at hindi ko hahayaan na matalo na naman ako ng mundo. Tumango ako sa kanya.

"I got you Lira. Tutuparin ko ang pinangako ko sa 'yo na protektahan ka," sabi ni Sam at muling sumilip sa labas nang pinagtataguan namin. "Sumakay ka sa likod ko, tatakas na tayo."

Ginawa ko ang sinabi niya, pinulupot ko ang braso ko sa kanyang leeg bago nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Ano mang oras ay makikita na kami ni Dad dahil palapit na siya sa amin, sana lang ay hindi mapahamak si Sam dahil sa pagtulong niya sa akin.

Paniguradong galit na galit na ngayon si Dad dahil sa ginawa kong ito, pero hindi ko naman inaasahan ang pagsulpot ni Sam para itakas ako. Nagdalawang isip pa akong tumakbo dahil nasaktan ang daddy ko, pero dala ng takot ay nakita ko na lang ang sarili ko na tumatakbo palayo sa kanya.

Dad, I'm really sorry.

"Ready ka na?" tanong ni Sam sa akin kaya nawala ako sa malalim na pag-iisip. I nodded to him and he was suddenly alerted by Dad's shouts not far away.

Bakit ba ito nangyayari sa amin? Life sucks!

Tumakbo ng mabilis si Sam habang buhat niya ako sa kanyang likuran, Pinaninindigan niya ang pangako sa akin na protektahan at samahan ako sa mga wishes ko. Parang dati lang ay mistulang aso't pusa kami na hindi magkasundo pero ngayon ay kakampi na namin ang isa't-isa.

Napatingin ako sa likuran namin habang patuloy parin sa pagtakbo. Natakot ako at kinabahan nang makita ang galit na pigura ni Dad na humahabol sa hindi kalayuan, pursigido siya na mabawi ako at mai-uwi na sa amin. Alam kong pinoprotektahan lang ako ni Dad dahil sa sakit ko pero iba na ang sitwasyon ngayon.

"Lira! Bumalik kayo dito!" sigaw ni Dad habang humahabol. Medyo mabilis tumakbo si Sam kaya hindi niya kami maabutan. "Alam kong pagod na si Sam dahil bumabagal na ang pagtakbo niya. Tagaktak na ang pawis at mabibigat ang paghinga, pero hindi parin siya tumitigil. Pasanpasan niya ako sa likuran at hindi iniisip ang kakahantungan nitong pagtakas namin. Ano nga bang kakahantungan nito?

Lumiko kami at pumunta kung saan nakaparada ang aming sasakyan, ibinaba niya ako sa tapat ng kotse at mabilis kaming pumasok sa loob. Ilang metro na lang ang layo ni Dad sa amin kaya natataranta na kaming dalawa.

"Sam, bilis!" bulalas ko ng hindi niya maipasok ng maayos ang susi dahil sa sobrang taranta.

Hanggang sa napasigaw na lang ako sa gulat nang hampasin ni Dad ng bato ang bintana ng kotse ko, nabasag ang ilang parte ng windshield na paulit-ulit niya paring hinahampas. Sinakluban ako ng takot dahil sa mga naging action ni Dad. Iba na ang determinasyon niya para mabawi ako at sa tingin ko ay gagawin niya talaga lahat kahit na pwersahan pa.

Breathe  For Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon