KABANATA XVIII

34 3 2
                                    

XVIII: LAST DESTINATION


Maraming pwedeng ipaglaban sa mundo, katulad na lang ng pagmamahal o pinaniniwalaan mo. Pero para sa akin ang pinaka the best at worth it na ipaglaban ay ang ating buhay. Isang beses, isang beses lang ipagkakaloob sa atin ng Diyos ang buhay kaya dapat natin itong pahalagahan at ipaglaban.

Pagkatapos ng mga nangyari nitong mga nakaraang araw ay nanatili sa tabi ko si Sam. Hindi niya ako iniwan at medyo naka-recover na siya sa matinding lungkot at depression na naganap sa kanilang mag-ama. He still protects me as he promised.

"Hindi ko na iniisip 'yon," sagot ko kay Sam na katabi ko habang nakaupo sa pinong buhangin dito sa tabing dagat. Nakalayo na kami sa San Lorenzo at ngayo'y nandito sa Puerto Galera at nagpapahangin. Sam took a sip of beer before turning to me.

"Buti ka pa, ako hindi ako pinapatahimik ng isipan ko." Pinunasan niya ang kanyang bibig. "Maraming bumubulong sa akin at inuutusan nila akong magpakamatay. Ganoon na siguro ang epekto sa akin ng depression, nagha-hallucinate na ako."

Bahagya niya akong sinulyapan bago ibaling ang tingin sa kawalan. "Sometimes it gets better, but many times it's getting worse."

"Kala ko nga okay ka na nitong mga nakaraang araw." I lean on his shoulder. Naramdaman ko ang pagdampi ng kamay niya sa balikat ko kaya bumangon akong muli.

"You thought, I was okay?" tanong niya habang mapupungay ang mga mata dahil sa alak. "No, I just learned to deal with it."

I stared at Sam. I know he is fighting his illness. But he can't help but be defeated by it every time he feels sad. Tumingin ako sa langit at hinayaang mamangha sa liwanag ng buwan at mga bituwin.

"Maswerte ka pa nga 'e, you have a choice to leave or not. Ako kahit anong pigil ko sa oras ko, I can't resist. Mamamatay na talaga ako."

Nakaramdam ako ng lungkot dahil sa sinabi ko, wala akong planong mag drama pero masyadong nakakadala ang atmosphere ng lugar kung nasaan kami ngayon. Boses lang namin dalawa ang maririnig at ang mga hampas ng alon, kumuha ako ng can beer at nagulat siya ng ininom ko ito.

"Seriously, Lira?" Napaduwal ako ng malasahan ang alak, but I managed to smile at him.

"Matagal ko ng pangarap tikaman 'to." Tinaas ko sa harap ng muka niya ang alak. "Palagi mo lang inaagaw sa akin."

"Because it's not good for you, Lira." Akmang aagawin niya sa akin ang alak pero hindi ko hinayaan iyon.

Sa kakaunting likido na naiinom ko ay mabilis akong nakaramdam ng hilo. "Ano pa bang hindi bawal sa akin? Eh parang lahat naman ata hindi pwede, kaya nga I do this escape to experience things I had never experienced before. Tapos pipigilan mo lang ako? No way!"

Nakalahati ko na ang can beer at medyo bumabago na ang ugali at boses ko. Umiikot na rin ang paningin ko pero hindi ito kagaya kapag inaatake ako. I'm not sure but I think tinamaan na ako ng alak.

Eh 'yung taong katabi ko kaya?

What the fudge! Kung ano-ano na itong naiisip ko. I can't control myself, feeling ko lumulutang ako. I started at his red lips. Why do I seem to want to kiss him?

Medyo na bahala siya sa tingin ko. "Stop drinking, Lira. You're drunk!" Nasusuka na ako, naramdaman kong inakbayan niya ako at kinulong sa mga bisig niya.

"Magpahinga ka na." Kinuha niya sa akin ang alak at pinasandal sa balikat niya. Nilalaro niya ang kamay ko habang damang-dama ko ang init ng hininga niya na tumatama sa aking pisngi, sobrang lapit niya sa akin!

Breathe  For Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon