XVI: CHASING THE WORLD
Sam Emanuel Angeles POV.
Puno ng bandiritas at makukulay na bagay ang buong paligid ng pumunta kami ni Lira sa baranggay para dumalo ng sayawan. Napahapyaw ako sa babae at palihim akong napangiti ng makita kung gaano kamangha ito, nakanganga siya at nanlalaki ang mga mata sa ganda ng nakikita. Napakainosente niya para lumagay sa malupit na mundo na ito. Hindi niya deserve ang sakit at pagdurusa na nararamdaman niya. Bakit ba siya humatong sa kalagayan na ito?
"Sam? Ang ganda dito, ano? Ang daming tao," sabi niya at naglakad patungo sa table namin. "First time kong pumunta sa ganito, hindi ako marunong sumayaw pero susubukan ko."
"I'll handle you Lira, tuturuan kita," sabi ko pero tukso lang ang inabot ko sa kanya.
"Ang sabihin mo gusto mo lang akong isayaw." Umupo siya at ngumiti. Ang ganda niya sa suot niyang orange dress. "Pero mas-gusto ka atang isayaw ng mga babae doon, oh!"
Tinuro niya ang apat na dalaga sa gilid na nagkakapalan ang make-up sa muka, malagkit ang mga tingin nito sa akin at tila nang-aakit ang mga galaw. Inalis ko ang tingin sa kanila at ibinalik kay Lira ang atensyon, mas higit parin siya kaysa sa mga kababaihan dito. Sobrang ganda kasi ng kalooban niya at bonus na lang 'yung mala anghel niyang muka.
"Ikaw lang ang gusto kong isayaw," bulong ko na tiyak na hindi niya maririnig dahil sa ingay ng paligid. Napatingin na lang siya sa akin kaya nginitian ko siya.
Maya-maya pa ay dumating na si Nancy na agad umupo sa pwesto namin. Tila mas domoble ang pagkabagot niya kumpara noon. Maganda siyang dalaga pero palagi naman siyang nakabusangot, ano bang problema niya sa buhay?
"Ang ganda mo naman Nancy," puri sa kanya ni Lira pero tila walang narinig ang babae. Tulala lang ito sa kabilang table na tila may pinagmamasdan.
Nag-simula na ang program at mas lalong umingay ang buong paligid. May malalaking speaker sa gitna at mga disco lights na nagbibigay ng magandang vibe para sa mga mananayaw. May mga bata, matanda na dumalo pero mas marami ang kagaya naming mga binata at dalaga na tila nagpapabonggahan sa suot.
"Good evening ladies and gentlemen!" bati ng emcee kaya nawala ang ingay ng paligid at tumuon lahat sa kanya. "Welcome to sayawan night in our baranggay!"
Dumaos na ang mga unang program at ito ang battle of the dance floor. Pinanuod muna namin nina Lira ang patimpalak sa ibat-ibang larangan ng pagsasayaw, ang gagaling nila kaya hindi maiwasang mapapalakpak ang nga manunuod.
"Sam? Ikuha mo naman kami ng maiinom at makakain ni Nancy," si Lira na sa tingin ko ay nagutom sa kanyang pinapanuod.
"Sige, hintayin n'yo ako ha?" Ngumiti sa akin si Lira at tumango. Hindi nakakasawang pagmasdan ang ngiti na iyon, kung ako ang tatanungin mas pipiliin ko ang ngiti niya kaysa bumalik sa dati ang buhay ko.
Hindi ako sanay ng malungkot siya, gusto ko palaging nakikita ang kaniyang matamis na ngiti dahil mistula itong liwanag na nagbibigay pag-asa sa madilim kong mundo.
Pero tama ba ang pagpro-protekta na ginagawa ko sa kanya?
Sa mga lumipas na araw ay mas lalo akong humanga kay Lira, maslalo niya akong pinabilib sa tapang niya na harapin ang mga kinakatakutan, harapin ang mundong mapanakit. Sa kanya ko na tutuhan na lumaban, sumaya at matutong matakot sa sarili.
Hindi ko nga maipaliwanag pero n'ung tinutukan kami ng baril ni 'Tay Citoy ay nakaramdam ako ng takot. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam ako ng takot na mamatay, at dahil iyon kay Lira.
Naramdaman ko ang unti-unting pagbabago ng sarili ko, mula sa suicidal na Sam hanggang sa masiyahing ako. Si Lira ang dahilan kung bakit ako naka-ahon sa kumunoy na lungkot, siya ang tumulong sa akin kung paano damhin ang kagandahan ng mundo na kinakasuklaman ko noon. Malaki ang parte niya sa buhay ko kung ano ako ngayon at hindi ako magsasawang pasalamatan s'ya.
BINABASA MO ANG
Breathe For Me (Completed)
RomanceBLURB: Lira's life changed when she found out that she had a serious illness. At mas lalong gumulo ito when she met his father's new wife Stella. Because of anger napilitang umalis sa puder nila ang dalaga and start her new life, alone. No limitatio...