KABANATA V

58 6 0
                                    

V: REMINISCE THE DESTINY


Madilim na sa buong paligid, tanging mga ilaw ng poste at maliwanag na buwan nalang ang tanglaw ko sa daan. It's already 9 in the evening at binabagtas ko parin ang kahabaan ng kalsada patungo kung saan. Mabuti na lang at hindi pa pumapalya ang kotse ko sa haba ng aking binyahe. I need to be as far away from the place as the doctor who helped us earlier. Masyado akong naging kampante sa mga taong nakasalamuha ko, hindi ko alam na kaibigan pala iyon ni Dad. Knowing Dad, marami siyang koneksyon at kakilala sa ibat-ibang lugar. Isa siyang business tycoon at hindi nakakapagtaka iyon.

Siguro nga lahat ng ospital dito sa bansa ay may koneksyon siya. Hinanap niya kasi ang pinaka-magaling na doctor para mapagaling ako. Pero wala, lahat sila isa ang sinasabi. That I won't last long.

So if possible I will avoid hospitals and people related to it. Malamang sa malamang ay nandoon si Dad o kaya ang mga koneksyon niya. I turned the steering wheel to the left as my car turned. Nawala na ang panginginig ng katawan ko simula kanina. I also recovered from the intense nervousness and fear that I might get caught. Salamat sa bonnet at hood ng jacket ko dahil hindi nakita nang doctor ang nalalagas kong buhok at ang kabuuan ng itsura ko.

Maybe the Doctor was more focused on helping us so he didn't act to check my face. Hindi ko naman siya tinaboy kanina dahil pagkatapos ng tawag ni Dad sa kanya ay dali-dali na siyang umalis. Maybe he slapped her forehead when he realized the woman he was looking for was the one in front of him earlier. Salamat nalang talaga dahil umaayon pa sa akin ang panahon.

Ano ba kasi itong pinasok ko? Simula nang umalis ako sa bahay kung ano-ano nang kakaibang nangyayari sa akin, muntik na rin akong mapahamak. But I know that the consequence of my freedom is danger.

Humapyaw ako ng tingin sa lalaking na banggaan ko. Ewan ko ba, parang pinaglalaruan kami ng tadhana kasi palagi nalang nagkrukrus ang landas namin. Or it's just the world's way of telling me you're not the only person losing hope in life. You are not the only one with a big problem. Pero ano bang connect nang taong ito sa akin. Eh magkabaliktad kami ng hangarin sa buhay. He wanted to end his life. I want to be healed and live longer.

What a coincidence.

Kung wala lang akong utang na loob sa kanya ay malamang iniwan ko na ito sa kalsada. Ayaw ko kasi ng pabigat at istorbo sa mga lakad ko. Baka siya pa ang maging dahilan kung bakit na delay at hindi ko na tapos ang mga nakasulat sa wishlist book bago ako mamatay.

Mahimbing parin siyang natutulog sa passenger seat habang ako ay pagod na pagod na kaka-drive sa tabi niya. Hindi kaya siya magalit kapag nalaman niyang kung saang lugar na kami nakapunta?

I ignored the man and focused on driving. Suddenly my stomach rumbled, I remembered I hadn't had dinner yet. Masyado nang late ang pagkain ko at pag-inom ng gamot na mahigpit ring pinagbabawal sa akin nang Doctor. Naisipan ko nalang mag drive-thru sa Jollibee dahil noong wala pa akong sakit at buhay pa si Mommy ay dito kami madalas kumain.

I order 2 chicken joy with rice, 2 fries and 2 jolly-spaghetti. I paid for that before driving again. Maghahanap ako ng magandang pagtambayan para kainin itong binili ko.

Syempre dinamay ko na ang lalaking walang malay dahil malamang gutom na gutom na siya kapag nagising ito.

Pumatungo ako sa isang open-field park na nadaanan ko kanina. Huminto ako dito at kinuha ang mga pagkaing binili ko. I noticed the man move but he still didn't wake up. Naglakad ako sa harapan ng kotse dala ang pagkain at ang wishlist book ko. I left the one for the man to eat as soon as he woke up.

I sat in the front of my car. 'Wag naman sanang sundutin ni Thim ang pwet ko, magaan naman ako dahil payat. Nang maka-upo ay saka lang ako kumain, ang sarap sa pakiramdam at ang sarap pa nitong kinakain ko. I never imagined since I got sick that I could do this. Eating under the starry night, so relaxing.

Breathe  For Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon