KABANATA VII

52 7 0
                                    

VII: ENTERING HIS WORLD


Malalaki ang subo ko habang tahimik na kumakain dito sa isang karinderya na nadaanan namin kanina. Gutom na gutom ako lalopa't galing ako sa matinding pag-iyak.

My body has calmed down. I have recovered from the tension and pain I felt earlier. Medyo nahihilo pero mawawala rin ito pagkainom ko nang gamot.

This is my first week na malayo sa impyernong buhay na aking kinagisnan. Sa wakas naramdaman ko rin ang maging malaya. Malayo sa katotohanang may mabigat akong pasanpasan na pagsubok. Malayo sa sarili ko na hindi mo mahahalatang may malubhang karamdaman.

I felt a lot of joy, fear and excitement when I escaped. Marami akong nasubukan na ibang bagay na matagal ko nang inaasam. At marami rin akong nakaharap na panganib at tao na nagpatunay na buhay pa nga ako. Pero ang pinaka exciting na part sa pag-alis ko para gawin ang mga last wishes ko is to meet someone who has even more serious problems than I do. Na nagpapatunay na hindi lang ako ang pinagmalabisan ng mundo. Meron pa, marami kami at hindi ako nag-iisa.

Napatingin ako sa estrangherong lalaki. Seryoso at tahimik na kumakain sa harap ko. Bakit nga ba umabot kami sa puntong ito? Magkasama, nagtatalo tungkol sa mga bagay-bagay. Eh hindi ko naman siya kilala.

Kanina lang ay sobra ang galit na nararamdaman ko sa kanya. Minamaliit niya ang mga ginagawa ko. Kinokontra niya ang kasiyahan na nararamdaman ko, galit na galit siya sa mundo. I should have abandoned him. I should have gotten him out of my car, but I can't.

Nandito kaming dalawa, sabay na kumakain. Sobrang awkward kung susumahin dahil maliban sa pag-aaway namin kanina ay totally stranger kami para sa isat-isa.

Sumubo ako at muli siyang pinagmasdan. Ang lalaking 'to, bakit ganoon nalang ang awa ko sa kanya nang yakapin niya ako at umiyak siya na parang bata sa mga bisig ko. Ang akala ko malakas siya? Ang buong akala ko natitiis niya ang lahat, pero hindi pala. Mag-isa niya lang nilalabanan at kinikimkim ang lungkot na matagal nang bumabalot sa pagkatao niya.

Nasaktan ako para sa kanya tungkol sa mga sinabi ko, hindi nga siya malakas kahit lalaki pa siya. Mahina rin siya at napapagod. Tao rin siya na nawawalan nang pag-asa. Siguro kaya niya gustong magpakamatay dahil hindi niya na talaga kaya ang kalungkutan.

"Tapos na akong kumain, yosi lang ako sa labas," paalam niya sa akin. Kinuha niya ang tungkod at paika-ikang naglakad palabas nang karinderya.

Hindi parin magaling ang binti niya. Saan na kaya siya pupunta kung sakaling makalakad na ulit siya nang maayos? Paniguradong aalis siya at iiwan ako kapag magaling na ang binti niya. Bukod sa naiirita siya sa akin ay ayaw niya nang kasama. Tinitiis niya lang ako dahil kailangan.

Pag-umalis siya hindi ko na kaya siya makikita? Oo, alam ko na palagi kaming pinagtatagpo pero this time parang hindi na. Dahil alam ko na sa oras na mag-isa nanaman siya ay tatapusin niya nanaman ang buhay niya.

At hindi ko hahayaang mangyari 'yun.

Tinapos ko na ang pagkain at uminom nang gamot. Nakigamit ako ng cr sa kanila para linisin ang sarili ko. Maong na short at longsleave ang sinuot ko, syempre hindi mawawala ang bonnet. Lumabas ako at tumungo sa kotse. Nakita kong nakasakay na ang lalaki sa passenger seat. Sumakay na rin ako at kinuha ang susi para buhayin ang makina. Minaobra ko ito at nag drive papuntang Binondo.

Doon ang next stop namin. Binondo the oldest China Town in the world.

"Saan tayo pupunta?" tanong nang lalaki. Wala siyang emosyon.

"Basta, sumama ka nalang," nakangiti kong sagot. Lumiko kami.

Napabuga siya at inayos ang pagkaka-upo. "Para namang may iba akong choice?"

Breathe  For Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon