VIII: TRUST NO ONE
Ang sarap sa feeling na may taong kasama ka sa paglalakbay mo, kahit na hindi niyo kilala ang isa't-isa. Kahit na hindi kayo nag kakasundo sa maraming bagay. Masaya ako dahil may kasama ako para tuparin ang mga wishes ko. Pero hanggang kailan kaya tatagal ang pagsama niya sa akin? Alam kong aalis rin siya sa oras na gumaling ang hita niya.
Napahapyaw ako ng tingin sa kanya. Nakapikit siya habang prenteng nakaupo sa tabi ko. Bakas sa muka niya ang matinding stress na hindi ko alam kung anong pinagmumulan.
What if? Pareho talaga kami, pero magkaiba lang nang sitwasyon. What if? Kailangan rin niya nang escape, nang takas sa mundong sobrang lungkot at mapanakit. Siguro nga pareho kami, hindi lang kami nagkakaintindihan.
Kanina lang ay napangiti ako dahil hindi ko inaasahan na tutugon siya sa pagpapakilala ko. He's name is Sam. Magandang pangalan para sa isang taong gusto nang tapusin ang buhay. Hindi man lang niya binanggit ng buo ang pangalan niya, pahapyaw lang talaga. Malay natin magkapareho pala kami ng last name. Eh 'di kamag-anak ko pala siya kapag nagkataon. Pero Malabo, wala naman sa lahi namin ang ganitong klase ng attitude. Bugnutin at palaging nakasaimangot. 'Yung tipong parang pasanpasan niya palagi ang mundo, ewan ko ba sa taong 'to.
My car slowed down because of the endless traffic. I'm still excited to go to our next destination. Uubusin ko lahat nang magagandang lugar dito sa maynila. Susubukan ko ang mga hindi ko pa nagagawa at magiging masaya ako. For once, for one last time.
Napalingon ako sa labas ng bintana ng may narinig akong kumatok. Nakita ko ang tatlong kabataan na nanlilimos sa labas nang kotse ko, masyadong delikado itong ginagawa nila. Sa murang edad ay nakikipag-patentero sila sa mga sasakyan para magkaroon lang nang konting salapi.
Binabaan ko sila ng bintana, nakita kong nagising si Sam na agad akong kinunutan ng noo. Isiwalang bahala ko siya at tinuon ang atensyon sa mga bata.
"Ate, palimos po. Gutom na gutom na po kami," sabi nang isang batang musmos. Nakaramdam ako nang awa para sa kanila.
"Gusto niyo bang kumain nang masarap?" tanong ko sa kanila na mabilis nilang tinanguan.
"Tara! Kakain tayo, dali. Sakay!" utos ko sa kanila. Pumunta sila sa likuran nang kotse para doon sumakay. Nahirapan pa silang buksan ang pinto kaya todo effort pa ako para pumunta sa hulian mapag-buksan lang sila. Si Sam naman ay puro reklamo na naman sa paligid. Nakasakay ang mga bata at dumaloy na ulit ang takbo nang mga sasakyan.
"Balak mo bang gumawa nang orphanage!" reklamo niya. "Eh kung sino-sino nalang palaboy ang sinasakay mo sa kotse mo."
"Kailangan nila nang tulong!" asik ko. "Nagugutom sila." My heart is so close when it comes to children.
Napailing siya. "Hindi mo sila kilala, mamaya pagnakawan ka pa nila. Mga palaboy lang sila na sa tingin ko ay hawak nang mga sindikato!"
Bakit ba masyadong mareklamo itong lalaking 'to. Hindi ba siya naawa sa mga bata? Eh Doon nga sa Luneta Park parang ang bait-bait niya sa mga batang lansangan doon pero bakit dito, ayaw niya?
"Huwag ka ngang masyadong praning. Mga bata lang sila, nagugutom, kailangan nang tulong, 'ni hindi nga sila marunong magbukas ng pinto nang sasakyan. Magnakaw pa kaya."
Hindi na siya sumagot at iritado nalang na inayos ang sarili sa pagkakaupo. Hindi niya ba inisip ang mga sinabi niya tungkol sa mga bata. "Palaboy lang sila" At kabilang siya sa mga 'yun, na kailangan rin nang tulong, kaya kung maaari tutulong ako kahit hindi ko sila kilala.
BINABASA MO ANG
Breathe For Me (Completed)
Roman d'amourBLURB: Lira's life changed when she found out that she had a serious illness. At mas lalong gumulo ito when she met his father's new wife Stella. Because of anger napilitang umalis sa puder nila ang dalaga and start her new life, alone. No limitatio...