SIMULA

200 18 17
                                    


This is our last stop.

Pagkatapos nito ay makukumpleto ko na rin ang wishlist book ko. I can also say that my remaining days on earth have been meaningful. Masaya ako dahil na experience ko ang mga bagay na hindi ko pa na gagawa before I die.

We are now at our last destination. Umakyat na kami ngayon sa Mt. milagros matapos igarahe ni Sam ang kotse. Hindi ko alam pero kakaiba ang panlalamig ng katawan ko kahit naka-sweater jacket ako, excited akong naglalakad habang nauuna na sa daan si Sam.

Sabi nila dito raw 'yung best spot para panuorin ang meteor shower na magaganap mamayang alas onse y media ng gabi, never pa akong nakakita ng shooting star sa tanang buhay ko. Ang alam ko mailap daw ito magpakita, pero once na mahuli ito ng mga mata mo ay puwede ka raw mag wish at matutupad ito.

Wala namang masamang maniwala 'di ba? Wala na mang mawawala kung susubukan ko.

Hingal na hingal akong naglalakad sa matarik at madulas na daanang ito, ramdam na ramdam ko ang panghihina ng aking katawan. Pansin ko rin ang paisa-isa kong paghinga, nanlalambot ang mga tuhod ko at lumalabo narin ang rumirihistro sa aking panigin, pakiramdam ko ay ano mang oras ay matutumba na ako.

Siguro ito na rin 'yung resulta ng katigasan ng ulo ko, ito na 'yung resulta ng kasiyahan ko. Ito na 'yung kinakatakot kong kapalit ng pagpili ko naman sa sarili ko, ito na 'yun at wala na akong magagawa pa.

"Lira? bilisan mo nang umakyat, mag-aalas onse na. Ang ganda rito sa taas, dali!" Napatingala ako kay Sam nang tawagin ako nito. Nasa taas na siya ng bundok at halatang excited na ang lalaki.

Napasinghap na lang ako nang matanaw ko na ang tuktok nang bundok. Sam took my hand so I could get up completely. Sa wakas! I made it. Nakatapak na ako sa lugar na dati ay tinitingnan ko lang sa mga pictures, pinapanood sa mga movies, pero ngayon nandito na ako. I'm realy here!

At hindi ko lahat magagawa ito kung hindi dahil kay Sam.

I took a deep breath and looked around. I almost opened my mouth at the beautiful view from the chin to the sky. Sobrang daming bituwin at alam ko isa d'yan ay si Mommy, hindi mag tatagal ay isa narin ako sa kanila.

"Masaya ka ba?" tanong ni Sam ng hindi ako tinatapunan ng tingin, tulala lang siya sa ganda ng tanawin dito sa taas.

"Sobra," tipid kong tugon at muling binaling ang atensyon sa magandang tanawin.

Pumatak na ang alas onse ng gabi at nag-silipana na nga ang kalat-kalat na bulalakaw sa kalangitan. Namilog ang mata ko dahil sa ganda nito, para akong na nanaginip. Hindi ko mapigilang maluha sa lahat ng nangyayari sa buhay ko.

Bakit kung kailan iiwan ko na ang mundo, 'saka ko lang natuklasan ang kagandahan nito? Please Lord, kaunting oras pa.

I just blinked when I felt Sam's hand touching mine. Hinawakan niya ito ng mahigpit at malalam na tumingin sa akin. Ramdam ko ang pag-aalala sa presensiya niya, alam kong mag-isa na lang siya sa buhay at kung mawawala pa ako ay baka tuluyan na siyang kainin ng kalungkutan.

Hindi ako papayag na ituloy niya ang binabalak niya. Hindi ako papayag na magpakamatay ka Sam, hindi!

I just smiled at what he did and looked at the beautiful sky again. I don't miss this moment kaya sinulit ko na ang pagkakataon. Mariin akong pumikit at bumulong sa hangin.

Sana--sana makasama ko pa ng matagal ang mga taong mahal ko.

Unti-unti akong dumilat kasabay ng pagbitaw ko sa kamay niya. It was too late when I noticed that I was already in his arms and gasping for breath, tuluyan ng umikot ang paligid ko kasabay ng pagsuka ko ng malapot na dugo.

"L-Lira? G-Gumising ka!" Ramdam ko ang takot at pag-a-alala sa boses niya. Nanginginig ang mga kamay niyang inakay ako pa higa sa lupa, patuloy lang ako sa pag suka at panghihina ng katawan.

"Kaya mo 'to, Lira. Please hold on." Rinig na rinig ko ang malakas na pagkabog nang dibdib ni Sam at mas lalo pang ikinadurog ng puso ko nang makita ko ang walang humpay na pag tulo nang mga luha niya.

Tears I don't want to see in his eyes.

"Lira! Please, lumaban ka!" malakas na sigaw niya habang tumatangis. Mapungay na ang mata ko at ano mang oras ay maari na akong bumigay.

Mas marami pang dugo ang sinuka ko na ikinagimbal niya, niyakap niya ako ng mahigpit habang humahagugol. I feel the overflowing sadness in him, even if I force myself to speak, I can't do it. My vision is getting blurred.

"Breath for me, please..." malamig ang boses niya. "Please, Lira..." At kasabay n'un ang pagtulo ng mga luha ko.

This is the day I dreaded.

Breathe  For Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon