XII: HIDDEN SMILE
Lira Jean Herico POV.
Tatlong araw na ang nakalipas simula ng mapagpasyahan ko na hanapin ang Papa ni Sam. Hindi naman umangal ang lalaki, maganda itong naisip ko dahil bukod sa hindi na siya aalis ay makikita n'ya muli ang kanyang ama.
Sabi nila ang pagmamahal lang daw ng isang pamilya ang makakatunaw sa lungkot na bumabalot sa ating puso, kung magkita man sila at magkaayos ay malaking bagay ito para kay Sam. Maaaring gumaling ang depression niya at matutuhan niya muling maging masaya.
Tutuparin ko ang mission ko sa kanya. Hindi ko hahayaan na mamatay siya dahil mayroong mga taong pinipilit lumaban para lang mabuhay, katulad ko. Katulad ng maraming taong kumakapit parin para sa kanilang mga minamahal.
Napakahalaga ng buhay dito sa mundong ibabaw. Lahat ng nabubuhay ay mayroong mission dito sa mundo, kumbaga para tayong na sa isang survival game. Tayo ang player ng buhay natin at ang ating edad ang level ng game. Ang mga obstacle naman na kailangan natin lampasan ay ang mga kinakaharap nating problema. Bawat problema o obstacle sa game na nalalampasan natin ay ang ating achievement. Kapag magpapadaig ka sa laro ng buhay ay tiyak na matatalo ka.
Kaya ang piliin mong mentor sa survival game ng buhay ay Siya, ang nasa Taas. Dahil siya ang ating secret weapon upang matalo ang ating mga problema, mga kalaban sa laro ng buhay. Siya rin ang tulay patungo sa finish line na walang hanggan. Kaya Sam, hindi ko hahayaan na matalo ka, kasama mo akong lalaban. Gagawin ko ang lahat hanggang may oras pa ako.
"Bakit?" biglang tanong ni Sam sa akin habang nagmamaneho siya. Naputol tuloy ang pagtitig at pag-iisip ko tungkol sa mga plano ko sa kanya. Umiling ako at tinuon muli ang atensyon sa kalsada.
Binabagtas namin ngayon ang daan patungo sa Enchanted Kingdom. Bata palang ako ay pangarap ko nang maipasyal ako ng mga magulang ko dito. Sabi nila dito sa lugar na ito na nanahan ang saya, hindi ko lang ito nakuha agad dahil nagkasakit ako. Pero ngayong malaya na ako, oras ko naman siguro para maging masaya. Para kung sakaling mawala na ako, wala na akong pagsisihan pa.
Minaobra ni Sam ang sasakyan sa parking lot. Siya na ang nagmaneho dahil bawal raw akong mapagod. May tiwala naman ako sa kanya kaya pinaubaya ko muna sa kanya si Thim.
Nitong mga nakaraang araw ay nakiusap ako kay Sam na puntahan muna ang mga lugar na nakasulat sa wishlist book ko bago kami tumungo sa San Lorenzo. 'Yung iba ngang places na gusto kong puntahan ay madaraanan namin pagpunta sa lugar na iyon.
Noong isang araw ay galing kami sa Quezon Memorial Circle at Venice Grand Canal. Kahapon naman ay na masyal kami at naglibot sa BGC. Nang galing rin kami sa MOA at dinama ang saya ng paligid. Kahit na sa aming dalawa ako lang talaga ang nag-e-enjoy.
Kung tatanungin kung malaki ang pinagbago ni Sam kumpara ngayon? Ang sagot ay, oo. Dati puro galit at sumbat ang naririnig ko sa kanya, mailap rin siya sa akin, palaging aburido at stress sa buhay. Ngayon kahit papaano nakaka-interact ko na siya. Pumapayag na siya sa mga gusto ko at higit sa lahat naging maalaga siya sa akin.
Excited akong bumaba ng sasakyan at pumasok sa EK. Halos mangawit na ang panga ko sa sobrang ngiti lalo na ng makapasok na kami sa amusement park.
"Hindi ka ba napapagod ngumiti?" tanong ni Sam. Nagsusungit na naman siya.
"Ikaw? Hindi ka ba napapagod kakabusangot?" pagbalik ko ng tanong sa kanya. Hindi siya sumagot sa halip ay nag poker-face na lang s'ya.
"Doon tayo!" hinila ko siya patungo sa mga rides. Bumili ako ng ticket sa anchor's away. Pangarap kong sumakay dito kahit hindi ko alam sa sarili ko kung kakayanin ko.
BINABASA MO ANG
Breathe For Me (Completed)
Roman d'amourBLURB: Lira's life changed when she found out that she had a serious illness. At mas lalong gumulo ito when she met his father's new wife Stella. Because of anger napilitang umalis sa puder nila ang dalaga and start her new life, alone. No limitatio...