Chapter 7

30K 554 19
                                    

 dedicated to her! Hi ana! thanks po sa comments & votes! God bless u po! :)

********

halu po! merry christmas & happy new year sa iilang readers ko nito... karamihan silent pa... hehe for christmas, break the silence naman po... :))) peace! gawin nyo po ang gusto ninyong gawin! it's your own free will... :)))

God bless everyone!

********

 

CHAPTER 7

            “So, how was your investigation?”  Curious pang tanong ni Lee sa inupahan niyang private investigator.

            “Matutuwa kayo, sir.”  Nakangiting sagot pa ng imbestigador.     

            “Tell me…” 

            At noon na nga ikinuwento ng imbestigador lahat-lahat ng mga nalaman nito pati na rin ilang dokumento na nagpapatunay ng katauhan ni Min.

            “You did a great job.”  Nakangiting sabi pa ni Lee dito sabay abot nang malaking halaga bilang kabayaran sa serbisyo nito.  “It was nice working with you.” Kinamayan pa niya ang lalaki.

            “Walang problema, sir.”  Tumango naman ang kausap at tahimik na ring nagpaalam.

            Matapos noon ay nagmamadali pa siyang umuwi sa kanilang bahay taglay ang 'di matanggal-tanggal na ngiti sa kanyang mga labi.

            “Hello, manang, where’s my wife?”  Bati pa niya sa isa sa mga pinagkakatiwalang katulong ng mansion.

            “Naku, sir…” Balisa pa ito.

            “What’s wrong?”  Taka pa ito. 

            “Nand'un po sa banyo,”  Taranta pang sagot nito.  “Sa maid’s quarter…”

            “What is she doing there?”  Kunot-noo pang tanong niya.

            “E kasi, sir…”

            Hindi na rin naman na hinintay pa ni Lee na makasagot ang katulong at agad na pinuntahan ang asawa sa banyo ng mga katulong.  Ganoon na lang din ang gulat niya nang abutan ang kanyang ina na nasa may pinto sa tapat ng banyo.

            “W-what are you doing here?  Where’s my wife?”  Kunot-noo pang tanong niya sa kanyang ina na tila gulilat din sa pagkakita sa kanya.

            “Lee?”  Agad naman ding napatayo si Min na may hawak na panlinis nga sa banyo.

            “What the hell is going on?”  Sita pa niya sa kanyang ina.

            “Mapilit ang asawa mo e,”  Nakapamaywang pa ang Donya na mabilis din namang sumagot.  “Sabi ko nga, may mga katulong naman e linis pa nang linis.  Kahit comfort room ng katulong pinapasok pa.”  Wari ay iiling-iling pa nitong sabi.

            “Is that true, Min?”  Mataman pa niyang tinitigan ang asawa sa mukha.

            “Y-yes.”  Napatango naman si Min at kuhang-kuha niya ang matatalim na tingin ng Donya.  “Nabo-bored kasi ako,”  Muli ay dahilan niya.  “Para makatulong lang din ako dito.”  Pagsisinungaling pa niya.  Alam niyang konting panahon na lang ang ipagtitiis niya at handa siyang hintayin ang panahon na iyon.

LOVE CONTRACTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon