Chapter 25

31.5K 571 12
                                    

Dedicated to Ms. Crunchh! :)  I loved her stories and first time ko nag-marathon reading na iisang author lang ang gumawa.  Nakakahiya man itong pag-dedicate sa'yo... at wala ako sa kalingkingan ng iyong kagalingan sa pagsulat hehe :)))  Actually, I was supposed to dedicate a chapter of No Ordinary Love sa'yo... kaya lang nag-alangan ako kasi i don't know if you're even a KimXi fan.  Nakahiyaan ko naman magtanong! wahahaha kasi nung ubos na ang utak ko dun, nakakuha ako ng idea sa'yo. amnesia chorva ang peg! but i've done it sa I Love You So... kaya iniba ko na lang ang atake.  But then, since mukhang super like mo naman ang MINMIN couple kaya eto dedicate ko sa'yo na chapter. Pagpasensyahan mo na at di naman sing dami ng readers mo eto. 5 lang! wahahaha  at least may nagbasa noh! hahaha daldal ko na, sorry!  thanks for sharing u're wonderful stories and looking forward for more! God bless u!

********

CHAPTER 25

 

          May kung ilang linggo na rin ang nakakalipas simula nang maghiwalay ng landas sina Lee at Min.  Si Bettina naman ay sinamantala ang pagkakataon para mas lalong mapalapit kay Lee.

            “Lumabas naman tayo oh…”  Malambing pang sabi ni Bettina sa tila tulala na namang lalaki.

            “I’m busy,”  Muli ay walang ganang sagot ni Lee. 

            Kahit na gustong mairita ni Bettina sa mga pagkakataong iyon ay pinipigilan niya ang sarili.  Alam niyang hindi 'yun ang panahon para sabayan ang mood ng lalaki.

            “Sige na, Lee.”  Sumamo pa nito.  “Samahan mo na lang akong bumili ng mga gamit ng baby natin.”

            “Don’t you think you’re too early for that.”  Nakakunot-noo pa itong napatingin sa may puson nitong ni hindi pa nga lumalaki.

            “Masama bang ma-excite?”  Palusot pa niya dahil sa totoo lang ay  gawa-gawa lang naman niya ang pagbubuntis.  Tsaka na lang niya pag-iisipan kung ano ang susunod na gagawin.  Ang importante sa kanya, hiwalay na ito kay Min.  “Sige na, please… please…” 

            Napabuntong-hininga na lang si Lee sa mga pagkakataong iyon.  Naiinis siya pero tila wala naman siyang lakas na kalabanin ang babae sa gusto nito lalo pa nga’t alam niyang bawal ma-stress ito nang husto.

            “Okay…”  Pigil talaga ang emosyon niya at agad na dinukwang ang coat niya sa swivel chair.

            “Thank you.”  Maluwag naman ang pagkakangiti ni Bettina.  Handa siyang gawin ang lahat para matutunan ulit siyang mahalin nito.

            Since malapit naman sila sa itinuturing na “grand promenade” ng New York ay doon na lamang sila pumunta.

            “Look at this, Lee. Ang cute diba?”  Itinaas pa ni Bettina ang isang infant dress na pambabae.

            Wala namang interest si Lee at sa halip ay ibinaling ang tingin sa ibang direction.

            “Lee naman, are you even listening?”  Kunot-noo pa si Bettina.

            “Ikaw lang naman ang may gusto nito diba?”  Nakasimagot na sagot pa niya.

            “Para naman sa baby natin ‘to ah?” 

            “You always say that to blackmail me…”  Pigil pa rin ang inis niya.

            “No, I don’t!”  Pigil rin ang emosyon niya lalo pa nga’t alam niyang baka layasan siya nito kapag nakipagtalo pa siya.

LOVE CONTRACTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon