Chapter 10.2.2

25K 511 15
                                    

2/15/13

i don't feel so well this week and i dunno when will i ever feel really okay... mabuti na lang at kahit papaano updated naman ang pagkakasulat ko nito... kung hindi siguro ang daming nagalit sa akin... :(  well, i know i need to move on... in time, gagana rin ng maayos ang utak ko. 

i love you, dad... i will forever miss you.  at least kahit dito, nagagawa kong ipaalam sa ibang tao how much i appreciate you.  kaya sa lahat ng may mga father pa dito... love him with all your heart... kasi sobrang hirap kapag nawala na siya... :(  do the same thing with your moms...

oh well, i just felt sharing.  somehow, yung mga nakaka-appreacite naman nitong story ko, nakakabawas kayo sa lungkot ko... so, thank you.

#dean

********

CHAPTER 10.2.2

Samantala, hindi naman makapaniwala si Min sa nakikita ng kanyang mga mata!  Naghahalikan sina Lee at Bettina!  May kung anong sakit ang naramdaman niyang bigla sa kanyang dibdib.

            “Aren’t you gonna stop them?”  Seryoso pang tanong ni Trevor sa tila pulang-pulang babae.  Kitang-kita rin niya ang nagaganap na eksena sa pagitan ng pinsan at ni Bettina.

            “N-no…”  Kagat-labi pa siya.  Pilit na pinaglalabanan ang nararamdaman.  Pilit na isinisiksik sa utak na kontrata lamang ang mayroon sila ng asawa.  Isang pekeng love contract.

            “So, are you gonna tell me what’s with you guys?”  Nakangisi pa itong tumitig sa babae.

            “Wala ako sa posisyon para magsabi.”

            “Obviously, Lee… your husband is still very much in love with Bettina… her ex.” 

            Hindi naman na siya nakakibo pa sa sinabi nito.

            “Want a drink?”  Inalok pa niya itong uminom.

            “Yeah, sure!”  Napabuntong-hininga pa siya.  Hindi niya malaman kung ano ang nagtulak sa kanyang patulan ang alok na iyon ng lalaki.  Tila kasi nagsisikip ang dibdib niya na hindi niya maintindihan.  Basta’t ang alam niya, gusto niyang kalimutan ang nararamdaman niya.

           

Kaya naman bago pa man makabalik sina Lee at Bettina sa table nila ay nakakailang rounds na sila ng shots ng Vodka.

“Umiinom ka?”  Taka pang tanong ni Lee sa asawa na noo’y pulang-pula na kaagad.

“Bakit?  Masama?”  Bahagya pa siyang umirap dito at gusto niyang magwalk-out sa mga pagkakataong iyon.

“Sabi mo hindi ka umiinom?”  Kunot-noo pa siya.

“Hindi nga pero trip ko ngayon e…”  Sarkastiko pa siyang ngumiti.

“Nakakatuwa pala ‘tong wife mo, bro.”  Si Trevor.  “Ilang shots pa lang 'yan pero rosy cheeks na agad.”

“We’re going home!”  Mahigpit pa nitong hinawakan ang asawa sa kamay.

“Ano ba?!”  Tabig naman si Min sa kamay nito.  “Magsasayaw pa kami ni Trev! Tara na!”  Tumayo pa siya para kayagin ang lalaki na pumagitna sa munting dance floor ng bar.

“Min!”  Inis pang tawag ulit niya sa tila walang pakialam na asawa.

“Sorry, bro!”  Si Trevor na nagkibit-balikat pa lalo pa nga’t malinaw na sa kanya ang estado ng dalawa.

LOVE CONTRACTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon