Chapter 18.2.2

25K 579 13
                                    


Eto na nga ba ang big revelation na hinihintay ng lahat? parang ang dami wahahaha :D oh well, basa lang wahaha God bless po!



********

CHAPTER 18.1.2

            Halos 30 minutes na silang nag-iinuman nang dumating si Lee!  Si Min naman ay agad na nagsiksik kay Carly!

            "Ano bang ginagawa mo?"  Pasimpleng sita pa ni Carly sa kaibigan.

            "Basta, 'wag kang hihiwalay..."  Mahigpit pa niya iyong hinawakan sa braso.

            "My gosh, Min."  Namimilog pang mga mata nito.  "Ang gwapo ng asawa mo!  'Wag mo sayangin at baka mapanis!"  Nanunukso pang bulong nito.

            Sumimple naman nga siya nang tingin sa asawa at tama nga si Carly, walang kasing gwapo talaga ito.  Bagay na bagay kasi dito ang suot nitong pinutiang long sleeve na may nakapatong na light checkered vest at kulay flesh na soft pants. 

            "Am I too late for the party?"  Nakangiting bungad pa ni Lee.

            "Hindi naman masyado!"  Umiling pa si Dave.  "Gwapo natin a, saan ka ba galing?" 

            "I just had a meeting with colleagues,"  Simpleng sagot naman nito.  "Guys!"  Binati pa niya isa-isa ang mga kabarkada nila ni Dave.  At siyempre, panay na rin ang salubong ng shots ng alak.

            Samantala, si Dave naman ay sumimple nang tabi kay Min at nakipagkuwentuhan.

            "Min, do you mind if I talk to you in private?"  Pabulong pang sabi ni Dave.

            "Ha?"  Agad naman siyang kinabahan sa mga pagkakataong iyon lalo pa nga't mukhang seryoso ang lalaki.  Hindi siya handa sa kung ano mang sasabihin nito.

            "Please..."  Sumamo pa nito.

            "S-sige..."  Wala naman siyang nagawa kung 'di pagbigyan iyon.

            Maagap naman ang mga mata ni Lee na nakasubaybay sa asawa.  Ibig na niyang maalarma hindi pa man.

           

            At sa labas nga ng bahay dinala ni Dave si Min.  Medyo freezing ang temperature kaya't agad na nakaramdam nang ginaw si Min.

            "Here,"  Naghubad naman ng jacket si Dave at ibinalabal muna iyon sa babae.

            "Thanks."  Tipid naman siyang ngumiti dito. 

            Bago magsalita si Dave ay humugot muna siya ng isang malalim na buntong-hininga.

            "It's been a while since we've known each other,"  Panimula pa nito. 

            Panay naman ang kabog ng dibdib ni Min sa mga pagkakataong iyon.  Parang nahuhulaan na niya ang binabalak ng lalaki.

            "And in that short time,"  Bahagya pa itong natigilan sabay malagkit na tumitig sa mukha ng babae.  "... I get to know you."  Kinakabahan pa nitong pinaglaruan ang daliri.  "I like you, Min.  I really do."

            Lalong hindi napakali si Min sa mga pagkakataong iyon.  Hindi naman siya manhid para hindi maramdamang gusto siya ni Dave.  Pero simula nang makita na naman niya si Lee ay naguluhan na naman siya.  At alam niyang si Lee pa rin ang laman ng puso niya.

LOVE CONTRACTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon