Chapter 9.2.2

29.6K 589 11
                                    

********

have a nice day everyone! God bless u po!!!

#fedejik

********

CHAPTER 9.2.2

Kaya naman kinagabihan ay pumunta nga sila Lee at Min sa family reunion ng mga Ramirez.  At tulad nang inaasahan, talaga namang kumpleto ang lahat ultimo sa pinakabatang miyembro ng pamilya. 

            Hindi naman nakaligtas si Min sa mapanuring paningin ng mga kaanak ng asawa lalo pa nga’t present din sa reunion ang ex-girlfriend nitong si Bettina!

            “Hey,”  Si Bettina na sinalubong pa talaga nang wagas na yakap si Lee!

            Si Min naman ay hindi maintindihan ang nararamdaman. Hindi niya gusto ang pagyakap na iyon ng ex nito sa asawa na niya ngayon.

            “Bettina,”  Si Lee naman ay matamis rin ang pagkakangiti.

            “What took you so long?”  Napatingin pa ito sa pambisig na relo.

            “Ang tagal kasing gumayak nitong wife ko…”  Noon na niya inakbayan ang tahimik na asawa.

            “Oh, Hi…”  Mapakla namang bati lang nito kay Min.

            “Hi…”  Mapakla naman ding bati lang niya.  Hindi naman siya manhid para hindi maramdaman ang pagkaselos nito sa kanya.  Ibinaling ulit ang atensyon sa lalaki.  “Nandito rin 'yung ibang friends natin. Come on, meet mo sila.”

            “Sure!”  Tumango pa siya.

            “Sige na, wait na lang kita dun.”  Itinuro pa niya ang uupuan nila.  “Baka nami-miss ka na rin ng mga friends mo.”

            “Are you sure, hon?”  Paniniguro pa ni Lee dito.

            “Yes…”  Alanganin namang sagot niya.

            “I’ll be right back, okay?”  Pinisil pa niya iyon sa pisngi.

            Tumango lamang si Min dito at sinundan na nang tingin ang dating ex-lovers. Sa pakiwari niya’y may feelings pa talaga ang asawa kay Bettina.  Nagniningning kasi ang mga mata nito sa tuwing titingnan ang babae.

           

            Naupo na lang si Min sa isang tabi at tamang kumuha na muna ng juice na pagkakalibangan.  Wala pa sa sariling napatingin kay Lee na hindi naman din kalayuan sa kanya.  May inis siyang nararamdaman kay Bettina ganoong wala naman itong ginagawa sa kanya.  Pero sa halip na indahin ang nararamdaman ay hindi na lang niya iyon pinansin at iniikot na lang ang paningin kung saan-saan. 

            “Hi…”  Gambala pa sa kanya ng tila Adonis din sa kagwapuhang lalaki.  Hindi ito nahuhuli sa kagwapuhan ng asawa. 

            “H-hi…”  Alanganin namang bati niya sa lalaki lalo pa nga’t hindi naman niya ito nakikilala.

            “If I am not mistaken, ikaw 'yung wife ng cousin kong si Lee John, right?”  Mataman pa nitong tinitigan ang babae.

            “Yup, ako nga.”  Napabuntong-hininga pa siya lalo pa nga’t pakiramdam niya ay lait lang ulit ang mapapala niya dito.

LOVE CONTRACTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon