Chapter 19.2.2

27.2K 602 11
                                    


eto na yun! :)

sorry nga pla, short UD lang 'to. nag-double paste na naman pala ako kaya akala ko mahaba... sarrreeeeyyy  :)


********

CHAPTER 19.2.2

           "Mahal din kita..."  Pabulong pang sabi niya dito.

            "What?"  Wari pa hindi niya iyon narinig nang maayos.

            "Mahal kita!"  Muli ay ulit niya nang medyo mas malakas sa unang sabi niya.

            Wala namang sabi-sabing siniil nang halik ni Lee ang asawa.  Halik na punung-puno nang pagkasabik at pagmamahal.  Higit kailanman, ngayon niya naramdaman ang ganoong klase ng pagmamahal.  Pagmamahal na humihigit pa sa naramdaman niya noon kay Bettina.

            "I miss you so bad."  Bulong pa ni Lee dito habang patuloy pa rin sa paghalik dito.

            "Lee,"  Awat pa niya sa tila ayaw tumigil na asawa.

            "I don't want to,"  Nakangiting sabi pa nito.

            "Hey,"  Noon na niya bahagyang itinulak ang asawa na nanunulis pa rin ang nguso. "Ang kulit!"  Pinisil pa niya ang pisngi nito.

            "Aaaaaaahhh..."  Napadaing pa siya sa sakit lalo pa nga't may gigil ang pisil nito.

            "Sorry,"  Agad rin naman niyang hinimas ang medyo namulang pisngi nito.  "Ang kulit mo kasi,"  Paninisi pa niya dito.

            "Can you blame me?  Ang tagal-tagal ko nang nagtitiis?"  Pilyo pa siyang ngumiti.  "Ang hirap n'un ha!"

            "Puro ka kalokohan!"  Inirapan pa niya iyon.

            "Hirap magpigil seeing you half naked."  Napakagat-labi pa ito.

            "Lee!"  Dinilatan pa niya iyon nang husto.  Halos mag-apoy ang kanyang pisngi sa init.

            "I was just telling the truth."  Ngingiti-ngiti pang sagot naman niya.

            "Marinig ka nila.  Ang kulit mo!"  Pinalo pa niya iyon sa balikat.

            "Aaaaaaaahh!"  Muli na naman siyang napangiwi sa sakit.  Nabutuhan rin kasi siya sa pagkakatama niya sa poste.

            "S-sorry..."  Nakangiwi pang sabi niya sa asawa sabay 'peace sign'.  "Patingin nga niyan,"  Bahagya pa niyang ibinukas ang polo nito para silipin ang nasaktang bahagi ng balikat nito.   "May pasa ka."

            "Lakas rin ng mokong na 'yun a.."  Nakangiwi pa siya.

            "Cold compress natin."  Inayos ulit niya ang polo nito.

            "Let's runaway from here."  Mahigpit pa niyang ginagap ang kamay nito.

            "Hindi ba tayo magpapaalam?"  Alanganin yata siya.

            "I'll just text Dave.  Come on,"  Hindi na rin naman siya magpapapigil pa.  "And this,"   inalis pa niya ang pagkakapatong ng jacket ni Dave sa balikat nito sabay ipinatong na lang iyon sa veranda chair.  "Let's go,"  Noon na niya ito bahagyang hinila paalis sa bahay ni Dave.

Ang hindi nila alam malungkot lang na nakatitig si Dave sa ikalawang palapag ng bahay nito.  At kahit pa sa totoo lang ay napamahal na rin sa kanya si Min, handa siyang magparaya alang-alang sa kaligayahan nito pati na rin ng kaibigang si Lee.

Idiniretso naman ni Lee ang kanyang sasakyan sa munting tahanan niya.            

"Bakit dito?"  Taka pa si Min sa asawa.

"What do you want me to do?  Mamaluktot na naman sa kakapiraso mong bed?"  Iiling-iling pang sabi niya habang mahigpit na hawak ang kamay nito papasok sa looban ng kanyang bahay.

"Dito mo ako patutulugin?"  Muli na naman siyang kinabahan.

"What are you worried about?" Pilyo pa siyang ngumiti.  "'Yun bang magkatabi tayong matutulog or 'yung mangyayari sa ating dalawa?"  Nakakaloko pa siyang ngumisi.

"Salbahe!"  Bahagya pa niya iyong pinalo sa braso.

Agad naman din silang nagdiretso sa may gawing kusina para kumuha ng cold compress.  Pansamantalang hinubad muna rin ni Lee ang suot na long sleeve at vest para i-cold compress ang natamong pasa niya.

"Nag violet na 'yan agad oh."  Sabi pa ni Min habang hawak ang cold compress na nakapatong sa balikat nito.

"Hindi ko expected 'yung gagawin ni Dave kaya hindi man lang ako nakadepensa."  Bahagya pa niyang iginalaw ang balikat.

"Buti nga sa'yo,"  Nakakaloko pa siyang ngumiti.

"Buti nga sa akin?"  Iiling-iling pa siya dito.  "Mabilis din sa chics 'yun!  Baka akala mo!"  Napaismid pa siya dito.

"Mabait naman siya."

"Mabait din ako!"  Seryoso pang sagot niya.

"Gwapo rin siya."

"Mas gwapo ako!"

"Gusto niya ko."

"Mahal naman kita!"  Mataman pa niya iyong tinitigan.  "Mahal na mahal."  Mas naging malambing ang pagsasalita niya.

"Totoo ba talaga 'yan?  Baka naman naguguluhan ka lang?"

"Don't say that,"  kumunot pa ang noo nito.  "I love you.  'Yun na lang sana ang paniwalaan mo."

Pigil ang kilig niya sa mga pagkakataong iyon.

Noon na tinanggal ni Lee ang cold compress sa kanyang balikat at sa halip ay lumuhod pa siya sa harapan ng asawa na noo'y nakaupo lang malapit sa kanya.

"You just don't know how much I've missed you."  Mataman pa niya iyong tinitigan .  "I don't want to be far away from you anymore.  Please be with me.  Always..."

Tumango lamang siya sa sinabing iyon ng asawa.  Sobrang kaligayahan ang nararamdaman ng puso niya.

Noon na gumalaw si Lee upang gawaran nang halik ang asawa.  Kumpara kanina, mas iba ata ang pakiramdam niya ngayon.  Wala siyang ibang nararamdaman kung 'di ang sobrang pagka-miss dito.



LOVE CONTRACTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon