Chapter 19.1.2

25.8K 572 12
                                    


CHAPTER 19.1.2

 

            "W-what..?!"  Hindi makapaniwala si Dave sa narinig at kunot-noo pang kinuwelyuhan si Lee.  "Ano bang problema mo?"

            "Hey, bro... chill..."  Si Jason na pilit pang inaawat si Dave.

            "Dave,"  si Min. "I'm his wife."  Nahihiya pang pag-amin niya dito.  "I'm sorry."

            Napaawang lang ang labi ni Dave at palitang tiningnan ang dalawa.  At noon na nga niya binitiwan si Lee.  Hindi siya makapaniwala sa ipinagtapat ng mga ito.

            "Why didn't you tell me?"  Kunot-noo pang tanong nito kay Lee.

            "I was gonna tell you..."  Napabuntong-hininga pa siya.  "Pero kasi--"  Alanganin pa siyang napatitig dito.  "Sorry, I should have told you."  Tinanggap na rin naman niya ang pagkakamali.

            Iiling-iling lamang itong dumistansya sa kanilang dalawa.  Ang iba'y nananatiling nakamasid sa kanilang tatlo.

            "Is she the reason why you came back?"  Muli ay tanong ni Dave.

            "Y-yes..."  May tango pang sagot niya. 

            "Then why?" 

            Matagal bago nagawang sumagot ni Lee.  Balak pa naman niyang gawing romantic ang mood kapag ipinagtapat niya ang feelings niya para kay Min pero tila wala na rin siyang pagpipilian pa.

            "I love Min."  Napatingin pa siya sa asawang napaawang lang ang labi sa gulat.

            "Hmm..."  Bumigat ang paghinga ni Dave at nanlulumong napaatras nang bahagya.

            "How come none of you tell me the truth?"  Pinaghalinhinan pa niya nang tingin ang dalawa.

            "Contract lang naman ang lahat.  Supposedly..."  Si Lee pa rin.  "I came all the way here to find out what I really felt for Min."

            "And, what about Bettina?"  Si Min na hindi pa man ay nangingilid na ang luha.

            "I'm not inlove with her anymore..."  Diretsa pa niya iyong tinitigan sa mukha.  "I'm in love with you."  Buong sinseridad namang pag-amin niya.  "I'm in love with my wife."  Mapait pa siyang ngumiti at mariiing kinagat ang labi.

            Noon na tuluyang naiyak si Min. Hindi siya makapaniwalang mahal siya ni Lee!

            "Sumasakit ang ulo ko sa inyong dalawa!"  Si Dave na mapakla pang napangiti.  "May araw ka rin sa akin, Lee John Ramirez!"  Mahinang sinuntok niya iyon sa may dibdib.  May diin pero hindi intensyong manakit.

            "I'm really sorry, bro."  Si Lee na sinsero naman ring humingi nang paumanhin dito.

            "I like this girl, bro."  Hindi naman na rin siya nagkaila pa.  "Try to hurt her and I'll beat your ass."  Bahagya pang nakangiting banta nito.

            "That will never happen."  Paniniguro pa niya dito.

            "You better keep your word, Lee."  Muli ay sinapak niya iyon sa balikat at binalingan ang umiiyak namang si Min.  "Ang malas ko naman,"  Mapakla pang sabi nito sa babae.

LOVE CONTRACTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon