Chapter 24

27.3K 527 12
                                    

CHAPTER 24

 

            May kung ilang linggo nang wala rin sa sarili si Min.  Papaano naman kasi’y hindi niya alam kung saan ba dapat lumugar.  Mas madalas pang wala ang asawang si Lee dahil sinasamahan umano nito si Bettina.  Kung anu-ano kasi ang nararamdaman ni Bettina at palagi’y nakahingi iyon ng saklolo sa asawa.  Bagay na tila lalong gumugulo sa isip niya.  Mas lalo siyang napapaisip kung tama ba talaga ang ginagawa nila ng asawa o dapat na niyang magparaya.

            “Tigilan mo na nga ang pagmumukmok!”  Aburido pang sita ni Carly sa tulala na namang kaibigan.  “Ikakapangit mo lang ang ginagawa mong iyan!”

            Napabuntong-hininga lang siya sa sinabing iyon ni Carly.  Hindi rin naman maganda sa pakiramdam niya na may kahati pa siya sa asawa.  Dagdag pa ang tila sobrang pagka-apektado rin nito sa mga nangyayari.

            “Hindi naman sa pagiging selfish, I think Lee should make a stand.”  Naiinis pang sabi ni Carly.  “Ang hirap naman yatang may kahati ka pa sa oras niya!  Ano ba 'yan!”

            “Kawawa naman ang baby nila ni Bettina.”  Mangiyak-ngiyak pang sagot niya.

            “And'un na tayo! Pero naman, Min!  kulang na lang e sila na talaga ang magsama sa iisang bubong!”  Irita ang hitsura nito.

            Napayuko lamang siya sa sinabi nito.  May katotohanan naman rin ang sinabi nito.  Magkasama man sila, ni hindi na nila makuhang mag-usap at madalas pa nga ay tamang matutulog na lang sila magkasama. 

            “If I were you, set rules!”  Mahigpit na payo pa nito.

            Hindi na rin naman niya nakuha pang mag-react.  Naguguluhan talaga siya…

            Samantala, hindi naman mapakali si Lee si trabaho.  Papaano naman kasi’y kulang na lang talaga ay hindi na humiwalay sa kanya si Bettina.  Naiirita na siya sa presensya nito pero tila wala din siyang magawa at ang palaging panakot nito ay ang anak nilang nasa sinapupunan nito.

            “Sir, nand:yan po ulit si Ma’am Bettina.  Sabay na daw po kayong mag-lunch.”  Sabi pa ng kanyang secretary.   

            “Thanks. Let her in.”  Matabang namang sagot lang niya.

            “Yes, sir…”  Tumango pa ang initusan at agad na nga ring pinapasok si Bettina.

            “Hi Lee!”  Bungad pa agad ni Bettina na as usual ay ever seductive ang suot.  Sa pakiwari ata niya’y sine-seduce siya nito.  At may parte sa kanyang tila hindi na nadadala sa pagpapakita nito ng hubog ng katawan.  At alam niya ang dahilan. Si Min na lang talaga ang natatanging hinahangad ng buong pagkatao niya.

            “Hey,”  Matabang namang bati lang niya.  Wala pa sa loob na napahugot nang malalim na buntong-hininga.

            “What’s up with the sigh?  Aren’t you happy to see me?”  May pagtatampo pang tanong nito.

            “I’m kinda busy,”  Mapakla pa siyang napangiti.

            "Oh,”  Malungkot pa siyang napatitig dito.  Hindi naman din kasi siya manhid para hindi maramdaman na hindi ito natutuwang makita siya.

            “By the way, what are you up to again?”  Pigil ang inis na tanong niya.

            “What am I up to?”  Agad yatang nagsalubong ang kilay nito.  “I am carrying our child, Lee!”  Gigil na sagot pa niya dito.  “We both need you!”

LOVE CONTRACTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon