Chapter 6

30.2K 562 15
                                    

********

I dedicate this chapter to her because aside from being a fanatic of KimXi eh nagka-interest cya magbasa nito! so, thank u po ms. thelma. i also appreciate mga comments mo. God bless u po. :)

********

CHAPTER 6

            Hindi naging madali ang mga sumunod na araw kay Min sa bahay na iyon ng mga Ramirez.  Pakiramdam niya’y nasa silya elektrika din siya at kulang na lang ay diretsa siyang patalsikin sa bahay na iyon.

            “Min…”  Ang ina ng kanyang asawa.  Kamalas-malasang tiyempo na naman sa paglabas niya ng kwarto ay ito pa ang makikita niya.  Kakaalis lang kasi ng asawa at umano ay may kakatagpuing kaibigan nito.

            “Mama…”  Bahagya pa siyang yumuko. 

            “Don’t call me, mama. I can never consider you my daughter-in-law.”  Masungit pa nitong sabi.

            Hindi naman siya nakakibo sa sinabing iyon ng Donya.  Alam niyang kailangan niyang pagtiisan lahat alang-alang sa mga pangarap niya. Kahit gaano pa man iyon kahirap.

            “Since wala naman dito ang anak ko,”  Namaywang pa ito.  “Baka gusto mong makatulong man lang sa mga gawaing bahay dito!”  Taas kilay ito.  “Hindi ka naman palamunin lang dito.”

            Sa halip na sumagot ay tumango na lang siya dito kahit pa sa totoo lang ay kaya naman niyang sagut-sagutin iyon.  Wala yata sa personalidad niya ang magpaapi kahit na kanino pero alam niyang exception ang kalagayan niya ngayon.

            Kaya naman kahit gusto niyang magwala ay sinunod na lamang niya ang gusto nitong mangyari.  Kung anu-anong ipinalinis nito sa kanya at kulang na lang din ay ipagawa na sa kanya ang lahat ng trabaho sa bahay na iyon. 

            Samantala, si Lee naman ay abala sa pag-aasikaso sa negosyong itinayo nila ng kaibigang si Bum.  Walang kaalam-alam ang mga magulang sa negosyong itinayo niya lalo pa nga’t alam niyang kokontrahin lang siya nito.

            “You think mag-hit ang bar natin na ‘to?”  Si Lee na noo’y kasalukuyang tinitikman ang mga beverage na i-introduce nila sa bagong bar nila.

            “Of course!”  Masayang sagot naman nito.  “Big time tayo dito!  Added to that, makakanta ka ulit diba?”

            “Yeah,”  Napangiti rin naman siya sa sinabi nito.  Miss na miss na rin niya ang kumanta. 

            “By the way, kamusta ang buhay may asawa?”  Pilyo pa itong ngumiti lalo pa nga’t alam naman niyang napilitan lang itong magpakasal.

            “Fine.”  Mapakla pang sagot niya.

            “Fine?  'Yun lang?”  Iiling-iling pa ito.  “Hindi ba hottie ang pinakasalan mo at wala kang gana kahit sa pagsagot?”

            “Crazy.”  Iiling-iling pa siyang ngumiti dito.

            “So, how was your first night?”  Curious talaga ito.          

            “Hmm…”  Napabuntong-hininga pa ito.  “Fine?”  Muli ay sagot niya.

            “Don’t you have anything to say aside from ‘fine’?”  Muli itong tumikim ng alak na nasa harapan lang nila.           

            “Nothing happened.” 

            “Nothing?”  Kunot-noo pa ito.  “As in nothing?!”  Hindi ito makapaniwala lalo pa nga’t chic magnet din naman ang kaibigan.  Iyon nga lang, alam din niyang si Bettina lang din ang sineryoso nitong girlfriend.

LOVE CONTRACTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon