Chapter 17.2.3

25.8K 545 6
                                    

O wag na magreklamong bitin dahil bitin talaga! hahaha on-going nga diba? ay sus, sige basa lang! have a nice day! :)

btw, yes ate na lang itawag nyo sa akin... naks parang ligaya lang hahaha cornik ko lang waley! hahaha smile lang!

<3 ate dean :)



********

CHAPTER 17.2.3


Samantala, halos palapit na ring matapos ang shift ni Min sa hotel nang biglang sorpresahin siya ni Dave!

            "Dave?  Anong ginagawa mo dito?"  Taka pang tanong niya sabay tingin sa relo niya.  "Medyo late na a..."

            "Sinusundo ka."  Mabilis naman ding sagot nito taglay ang napakatamis na ngiting iyon.

            "Ha?"  Alanganin pa siyang napangiti dito.  Hindi naman din kasi siya manhid para hindi malamang may gusto ito sa kanya.  Pero kahit anong pilit niya, hindi niya magawang ibaling ang feelings niya para dito.  "Nakakahiya naman, dapat nagpapahinga ka na rin."

            "Sobrang nami-miss ko na ang company mo."  Napabuntong-hininga pa ito.  "It's frustrating rin naman na walang love l-life..."   Bahagya pa itong nautal.

            "Puro ka biro..."  Iwas pang sagot lang niya.

            "Tapos na ang shift mo, right?"  Napasulyap rin naman ito sa relo nito.

            "Yup!"  Bahagya pa siyang tumango.  "Magpalit lang ako ng damit."  Paalam pa niya.

            "Sure."  May kasama pang tango na sagot niya sabay maluwag na ngumiti.

            "Wait lang,"  Panandali muna niyang iniwan ito para magpalit na nga ng damit.

            Hindi rin naman nagtagal ay naka-casual dress na ulit si Min.  Alanganin pa siyang napangiti kay Dave na talaga namang gwapung-gwapo rin.

            "Ready?"  Nakangiting tanong pa ni Dave dito.

            "Yes."  Tipid naman siyang ngumiti.  Sa totoo lang ay hindi naman niya mabasted ang lalaki lalo pa nga't puro palipad hangin lang din naman talaga ang ginagawa nitong panliligaw.

            Samantala, sa hindi kalayuan ay nakatingin lang si Lee sa dalawa. Talaga namang hindi siya natutuwa sa nakikita niya. He's jealous.  Sobrang selos na selos!

            "Min, join ka sa Christmas Party namin this Saturday ha?"  Lakas loob pang tanong ni Dave sa babae habang minamaneho niya ang kanyang mamahaling sports car.

            "Saan venue?"  Sinulyapan pa niya ang lalaki.

            "Sa bahay ko lang din, isama mo na rin si Carly." 

            "S-sige,  sabihin ko kay Carly."  Tipid naman siyang ngumiti.

            "Good."  kagat labi pa itong napangiti at muli ay itinuon ang atensyon sa pagmamaneho.

            Dahil hindi rin naman kalayuan ang tinutuluyan ni Min ay mabilis rin silang nakarating doon.

            "I'll be expecting you on Saturday, okay?"  Malagkit pa ang mga titig na iyon ni Dave kay Min.  Sobrang lakas talaga nang pagkagusto niya dito.

LOVE CONTRACTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon