Chapter 17.3.3

27K 596 10
                                    


hay, pag-ibig... yun ang itatakbo ng story na ito... hay lang wahahaha 



********

CHAPTER 17.3.3


            "Lee?!"  Alala pang napatitig siya sa napasong kamay ng asawa.  "I'm sorry, I'm sorry!"  Hindi siya magkamayaw sa sobrang pag-aalala.  "Hindi ko sinasadya!  Sorry talaga!"  Hinipan-hipan pa niya ang namulang kamay nito.  "Sorry!  Sorry!"  Nag peace sign pa siya sa asawa.

            "This is what I am saying, mai-injured ako sa liit nitong tinitirhan mo!"  Nakangiwi pang sabi niya.

            "Hmp!"  Inirapan pa niya iyon.  "As if ginusto ko namang masaktan ka!"  Hinila pa niya ang asawang lumapit sa may lababo at itinapat ang napasong kamay nito sa gripo.  Siya pa mismo ang nagtapat noon sa gripo at matamang tinitigan.

            Lihim namang napangiti si Lee sa mga pagkakataong iyon.  Nasaktan man ang kamay niya, mas masaya siyang malaman na nag-aalala ito para sa kanya.

            "Masakit pa?"  Alala pang tinitigan niya ang asawa sa mukha.

            "M-masakit..."  Wari ay ngumiwi pa siya kahit na nga tolerable naman din ang sakit.  At bahagya pa ngang nawala ang sakit noong maitapat sa malamig na tubig sa gripo.

            "Sorry talaga."  Hindi rin naman niya maiwasang ma-guilty lalo pa nga't aware naman siya kung gaano kainit ang tubig.  Hinila ulit niya iyong maupo sa bed at naghanap ng gamot sa cabinet na nasa gilid lang ng bed.  "Paano ba 'to? Betadine lang ang mayroon ako dito?"

            "Puwede na 'yan..."  Ngayon na lang niya ulit naramdaman ang kirot nang napasong kamay.  Hindi man nasugatan iyon ay pulang-pula pa rin iyon.

            "Sige,"  Kumuha na rin siya ng bulak at nilagyan iyon ng gamot.  Agad din siyang lumapit sa asawa at kinuha ang kamay nito.  "Ayan namula... sorry talaga..."  Napatitig pa siya sa asawa.

            "Nangyari na.  Malayo sa bituka."  Wala pa sa loob na napatitig sa mukha ng asawa.  Sa pakiwari kasi niya'y mas lalo pa itong gumanda ngayon.  Bumagay rin ang kaunting make-up nito sa mukha.

            Agad namang pinahiran ni Min ng gamot ang namumulang kamay ng asawa. 

            "'Di ko alam kung tama bang itong gamot na 'to ang gamitin,"  Alanganin pa siyang napangiti dito.

            "Me too."  Napangiti rin naman siya.  "Gamot pa rin naman 'yan.  Makakatulong naman siguro."  Nangingiti pang sabi lang niya.

            "Wait, balutan man lang natin ng bandage para 'di mo muna masangga."  Muli ay naghalungkat siya sa maliit na cabinet.  "Wala na rin pala ako,"  Dismayado pang sabi niya.

            "Okay lang, kahit panyo na lang."  Suggest pa niya.

            "Sige."  Agad naman din siyang dumukot ng panyo at muling lumapit dito.

            Pansamantalang binalutan nga muna niya ang kamay nito para lang iwas sangga.

            "Hindi naman sa ipinagtatabuyan kita,"  Panimula ulit ni Min.  "Pero pagod na rin kasi ako.  Gusto ko na sanang matulog."

LOVE CONTRACTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon