CHAPTER 2

32 3 0
                                    


Bea Pov

+++++KINABUKASAN+++++

Maaga akong gumising dahil mangluluto pa ako ng agahan, at para makapaglinis na din ng buong bahay...


Bumangon na ako sa pag kakahiga at dumiretso sa banyo para maligo.....


Pagkatapos kung maligo, naghahanda na ako papunta sa baba para maka luto.


Ala sinko palang nang umaga gising na ako, pero mas maaga ako noon gumigising 3 palang kasi nang madaling araw dilat na dilat na mata ko para makapagluto ng ibebenta para makapaglako.


Habang naglalakad napa daan ako sa kwarto ni sir Clifford at napukaw ang atensyon ko nung may umungol napatakip ako ng bibig, 


Hala anong nangyayari?! 


Tumigal ka nga Bea andumi ngang utak mo" paninermon ko sa sarili,. Bat ba kasi may nadidining akong umuungol dito sa kwarto ni sir, diba pag umuungol may ginagawang kababalaghan? Napatakip ako ng bibig dahil sa naisip. Erase erase di naman cguro!


Dahil likas na chismosa ako lumapit ako sa pinto at inikot ang doorknob bat hindi na ka lock? Nakalimutan lang siguro ni sir o di kaya hindi talaga sya mahilig mag lock nang pinto.


Binuksan ko na ng tuluyan ang pinto at dahan dahang lumapit sa pinagmumulan ng ungol. huhuhu ikaw na bahala sakin lord! Mapapahamak ako nito eh!


"Ugh ahh"nadidinig ko pa din ang ungol lumapit ako ng tuluyan...


Laking gulat ko nang makita si sir Clifford na nakahubad, Wahhh seryoso?! napanganga ako nang dahil sa gulat.


Kayo ah andumi ng utak nyo syempre nagbibiro lang ako.



Balik tayo dun sa LAKING GULAT hehe.


Laking gulat ko nang makita c sir na naka higa sa sahig na yakap-yakap ang Sarili nya na nanginginig kaya nilapitan ko sya.


Nakahinga ako ng maluwag akala ko kasi kung ano na!

Hinawakan ko ang noo nya kung tama ba ang hinala ko at sabi ko nga tama ako, may lagnat sya , ang init-init nya, inalalayan ko sya para tumayo at humiga sa kama ....buti nalang at di sya nagpumiglas.Mahirap na!


Habang inalalayan ko sya nahagip ng mata ko ang kamay na puro dugo pa at natuyo na ito, aish! matigas kasi ulo nitong ni sir eh kung pinalinis nya sakin edi sana di ito namaga ngayon!.


Pagkatapos ko syang ihiga sa kama ay umalis muna ako para kumuha ng balde na may maligamgam na tubig at bimpo na din para panglinis sa sugat nya.


Bumalik na ako sa taas at sinimulan kung linisin ang sugat nya sa kamay at ginamot.



Na miss ko tuloy mga kapatid ko kumusta na kaya sila huhu, ako din kasi ang nag aalaga sa kanila tuwing may sakit sila.


Pagkatapos kong gawin yun, sunod kung ginawa ay pinunasan ang mukha, kamay, braso , at pati na rin ang leeg nya ,pinunasan ko ito ng basang tela para mawala unti ang init niya.


Nakakailang nga eh ikaw ba naman dito sa posisyon ko! huhu inaamin ko gwapo c sir pero hanggang dun lang ang lambot pa ng kamay hehe! Aish ano ba tong iniisip ko kung pwede lang batukan ang sarili ginawa ko na pero tanga lang ata gumagawa
non!.


Bibihisan ko sana sya ng damit kasi basang basa ang likod nya sa pawis kaso nakakahiya naman.


Alam ko na kung tanungin ko nalang sya, di naman sya paralisado para di makabihis, oo tama tama! 


"Sir kaya nyo po bang magbihis?"tanong ka sakanya.


"I'll try" sagot nya buti nalang talaga! Nakahinga ako ng maluwag, hays! tumalikod na ako at pumunta sa closet nya at kumuha ng damit...


Bumalik ako sa kama at binigay ang damit sa kanya, permi lang akong nakatayo dito sa harap niya.


Nang bumalik ako sa ulirat nung mag salita sya..


"Are you going to stand there,until the end of the world?" Napayuko ako nakakahiya, tumango nalang ako at tumalikod, sobrang pula na siguro ng pisngi ko dahil sa hiya, kung hindi ba
naman ako bobo aishh.


Mga ilang minuto pa ang lumipas pero wala man lang akung nadining na salita sa kanya kaya humarap na ako.


Nakita ko syang nakapikit at nakabihis na din.


Lumabas ako ng kwarto para kumuha ng gamot at lugaw na din para ipakain sa ganya kaya magluluto muna ako saglit.


Pagkatapos kung magluto at kumaha ng gamot ay bumalik na ako sa taas then pinakain sya buti nalang at di nag i narte hehe pinainom ko na din sya ng gamot.


Bumaba na ako pagkatapos ko syang pakainin nakalinis na din ako sa kwarto nya. At dito nanaman ako sa sala maglilins at kung ano-ano pa!huhuhu! Nakakapagod din palang maging yaya.hays


Tiningnan ko ang orasan dito sa sala alas nuwebe na pala ng umaga kaya kumain muna ako bago naglinis.


Dominic Pov


"Is everythings okay?"tanong ko sa secretary ni kuya na sobrang kapal ng make up isama muna ang napa kapula nyang pisngi, nag mumukha tuloy kamitis ,hay nako! nandito ako ngayon sa office ni kuya para alamin kung okay na ba ang lahat , sa nalaman ko sobrang laki pala talaga ng perang na wala sa company. D*mn that bitch!


"Yes sir, everything's already settled"tugon niya.


"Good" i reply back.


Naayos ko na ang dapat ayusin,nalipat na din ang perang nawala sa bank ng company, akala siguro ng Theffanie na yun malulusutan nya ko then nagkakamali sya.


Tumayo na ako para umalis at para mag coffee andaming nangyari this days.


Third Person Pov


Nagising si Clifford mga bandang ala singko ng hapon, nahimasmasan na sya dahil sa pag alaga at pag gamot sa kanya ni Bea.


Di nya lubos maisip na nagpahawak sya sa isang babae na kinamumuhian niya.


Pero kahit ganon nakatanaw siya nang utang na loob kay Bea dahil sa ginawa nito.


Bumangon na sya sa pagkakahiga dahil nakaramdam na sya nang gutom at pumunta sa kusina.


Habang pababa sya ay may na didining syang kumakanta, alam nya kung sino ito dahil dalawa lang naman sila nakatira sa bahay.....



"La~~la~~la~~la" feel na feel pa ni Bea ang kanta habang nag luluto!


Lumapit si Clifford sa dinning area at humila ng upuan para umupo dahilan para mapalingon si Bea.


"Uii sir, gising kana pala grabi buong araw kayo na tulog ,ano-ano naman kaya ang napaginipan nyo siguro klase klase ung panaginip nyo noh kada isang oras nag iiba hehe ahh nagluto ako ng sinabawang bangus para sa inyo, mag antay lang kayo nang sandali at maluluto na din to" masiglang bati ni Bea kay Clifford. 


"Tsk" napailing iling sya at nagsawalang kibo.



Lumapit si Bea kay clifford para sana hawakan ang noo nito upang malaman kung gumaling na ba sya pero sa di pa sya nakakalapit ay sinuway na sya nito.



"Dont touch me, tsk! " sabi ni clifford kay Bea , walang nagawa si bea kung hindi bumalik nalang sa niluluto nya.


Bea Pov

Nung matapos na akong magluto hinanda ko na ang pagkain ni sir, kailagan pagsilbihan prinsipe eh! Hehe simula nang lumipat ako dito na hilig ko na atang tumawa aish.


Nagpaalam na din ako sa kanya para pumunta sa kwarto at para makatulog na!.


Nandito na ako sa kwarto tapos na din akong magpunas.


Gabi na kaya naisipan kung umidlip.

Haysss!.

The Boss: Maid To Wife (Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon