Bea Pov
Third Day*
Ang sarap ng tulog ko! Bakit ang sarap yakapin ng unan ngayon? Niyakap ko pa ito ng mahigpit na mahigpit! Hanggang sa unti unting humuhigis ito ng tao. Hala! Naalala ko yung nangyari kahapon, napadilat ako at mabilis pa sa alas kwatro akong tumayo! Ibig sabihin hindi unan ang niyakap ko? Wahhhh naiinis ako sa sarili ko andaming kawalanghiyaang ginawa.
Buti na lang di ko sya nasipa! Naninibago na ako sa kanya ngayon, lagi nalang akong nagbibigay sa kanya ng sakit sa ulo, eh? di kaya! sya nga yung nagbibigay sakin nga sakit sa ulo! Nakakainis, si Blaze kasi!
Ang himbig ng tulog nya, napagod siguro sya kagabi sa pag alaga sa akin?. Di ko naman alam na lalagnatin ako sa ginawa ko! Inayos ko ang kumot para sa kanya. Pakiramdam ko ang sama sama kung yaya! Sana mabait nalang sya lagi noh? Haysss.
Ano bang pwede kung gawin para makabawi? Alam ko na! pagsisilbihan ko sya kaso yun naman yung ginagawa ko sakanya noon hanggang ngayon diba? Basta pagsisilbihan ko sya!
Tumakbo ako sa banyo at nagmadaling maligo, sabon, shapoo, toothbrush, sabon ulit sa mukha, banlaw, kinuha ang towel nagbihis ng damit, tapos ang huli nagsuklay! Pagkatapos kung gawin yun bumaba na ako at nagluto ng napakadaming pagkain! Hehehe.
Tapos na ang lahat kailangan ng gisingin ang prisipe! Bumalik ulit ako sa kwarto, gigisingin ko na sana sya kaso wag nalang ang himbing ng tulog eh! Baka pagalitan pa ako.
Isang oras ang lumipas, oo isang oras akung nakatayo dito sa gilid ng kama para antayin magising ang prinsipe! Nangangawit na nga ang paa ko kakatayo, pero okay lang pagsisilbihan ko nga sya diba? Gising na sya buti naman.
“Good morning!” masayang bati ko sa kanya.
“WHAT THE F*CK! DO YOU WANT TO KILL ME? You look like a ghost!”sinisigawan na nya ako eh ang aga aga!aish, tumingin ako sa salamin, di naman ako mukhang multo ah! Di ko naman sinasadyang magulat sya. Hehehe pero okay lang yun di naman sya tuluyang namatay!
“hehehe sorry master! Nakahanda na ang agahan!” nagmumukha na akung multo dito kakangiti, ngumingiti ba ang mga multo? Di naman ah! Kung ano ano na tong pinag-iisip ko. Wag naman sana akung mabaliw!
“what happen to you? Are you going crazy!” nababaliw na ba talaga ako? Di ah!
“Mauna kana master tapos sunod ako hehe!” di ko pa rin inaalis ang ngiti sa mga labi ko.
“WHAT? Don’t make fun with me, it’s not working!” di naman ako nakikipaglaro! Kailangan nya pa palang maligo.
“wag ka nalang kumain! maligo ka muna!” sabi ko sabay tulak sa kanya papuntang banyo! Pero nangmamatigas eh!hay nako!
“ Stop! Don’t push me I can walk!” sino bang nagsabing di sya nakakalakad? Nawawala na ata ang utak ng amo ko, pero natuwa ako dahil maliligo sya! Yeheyyy.
Pumasok sya sa banyo at sumunod din ako.
“WHAT THE H*LL ARE YOU DOING!” hays kalian ba to titigil kakasigaw sakin? Nakakabingi na.
“paliliguan kita master hehe!” taas noong sabi ko .
“WHAT? ARE YOU FREAKING SERIOUS?!”
“mukha ba akong nagbibiro?” di ko parin inalis ang ngiti ko. Umuusok na ang ilong nya sa galit! Wahhh ano nanaman ba ginawa ko?
“D*mn!” kasabay ng pagbigkas nya ng salitang yon tinulak nya ako palabas at sinirado ang pinto!
Click*/ nadinig ko pa ang pag lock nito.
“AISH! ANG SAMA MO TALAGA!!” inaakto ko pang suntokin ang pinto ng banyo, sya naman kasi nagpapakabait na nga ako noon at ngayon ang sama nya parin sakin!
BINABASA MO ANG
The Boss: Maid To Wife (Series 1)
General FictionIs it possible to change "Pretend" into Reality? Read to know the answer! (This is a work of fiction. Names,characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any...