CHAPTER 13

15 3 0
                                    

Bea Pov

4th Day*

Nagising ako dahil sa ingay na nagmumula sa baba, biglang bumilis ang tibok ng puso ko! Anong nangyayari?

Tiningnan ko si sir na ngayon ay nakatayo na, napansin nya rin siguro! Unti unting lumalakas ang kalabog, sa pagkakaalam ko kami lang dalawa ang nandito sa isla! WAHHH baka minumulto na kami.

“ A-ano yun?!” lumapit sya sakin at binulungan ako.

“Shhhh stay beside me!” bakit?huhu natatakot na ako.

Hinawakan nya ang kamay ko, kaya sumunod ako sa kanya! Pumunta kami sa may drawer at may kinuha sya dun!

“Ba-baril anong gagawin mo jan?” mas naging doble pa ang lakas ng kabog ng puso ko, mamatay na ba ako? Plano nya bang makipag gira? Idadamay pa ako! Pano nalang kung mamatay na talaga ako ngayon? Wahh ayaw ko pa! may mga kapatid pa akong naghihintay sakin!

“just shut your mouth, all you need to do is to stay here at my side! I know that you don’t want to die!” 

Napatikom ako ng bibig, tama ayaw ko pang mamatay! Nandito ako sa likod nya at magkahawak ang aming kamay, nanginginig na ako sa takot! Dahan dahan nyang binuksan ang door knob para di ito maglikha ng ingay, hanggang sa makalabas na kami sa kwarto! 

Ingat na ingat kami sa mga galaw namin pababa sa hagdan nang bilang may natapakan akong mineral bottle, hala!

“f*ck!” di ko naman sinasadya! Ano ba kasing ginagawa ng plastic bottle na to dito sa hagdan? Pahamak!

“so-sorry!” di naman ako nakikipagkarera pero bakit itong puso ko mukhang nagkakarera.

Napahinto kami at bigla namang mas lumakas lalo ang kalabog! Pasensya na kasalanan ko! Huhu

Hinila nya ako at dali dali kaming bumaba sa hagdan tapos napasandal sa gilid ng bahagi sa pinto papuntang labas! Dito galing ang mga kalabog eh! Plano nya bang harapin ang mga kalaban?may nadidinig akong nagsasalita pero hindi klaro! May tao nga!

Huminga ako ng maluwag, katapusan ko na ba? Hinawakan nya ang door knob at unti unti itong iniikot para mabuksan pero mas minabuti kung hawakan ang kamay nya gamit ang kaliwang kamay ko para pigilan sya!

“D*mn! Will you trust me?” sa di malamang dahilan napa tango ako, at binitawan ang kamay nya.

May tiwala ako sa kanya! Pinagpatuloy nya ang pagbukas hanggang sa nabuksan na nya ito ng maluwag sabay tutok ng baril nya dun sa parteng may tao. Pumikit ako pero napadilat din ng may madinig akong sumigaw.

“LAMAY NA THIS*/WOHHHH BOSSING CHILL*/ PAGKAMALAN BA NAMANG MAGNANAKAW ANG GWAPO KUNG MUKHA*!” sumilip ako para malaman kung sino ang nasalikod ng mga boses na yon! At tama di nga ako nagkakamali! Nakahinga ako ng mas maluwag.

“Hi hehehe!” nag wave pa ako kila Blaze.

“Explain!” mahinahong sabi ni sir sakanila na hindi parin inaalis ang pagkatutok ng baril sa direksyon nila.

“Troy explain daw!” tulak ni Blaze kay Troy daw!

“Bakit ako? Ikaw na Leo!” tulak naman ni Troy kay Leo, di ko kasi sila masyadong kilala si Blaze lang!

“ikaw na Blaze napagod kaya ako sa byahe” sabi naman ni Leo kay Blaze, bakit ba sila nagtutulakan? Eh ang simple lang nang gagawin eh!

“kapagod- pagod din kasi yang pagmum~!”

Umalingawngaw ang putok ng baril kaya natigilan si Blaze ako naman napatalon sa gulat!

“you’ll gonna name it? Or the three of you wanted to die?!” papatayin? nakakatakot pala sya magalit! Wahhh.

The Boss: Maid To Wife (Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon