PROLOGUE

74 3 0
                                    


Naglilinis ako dito sa sala ng may masagi akong vase at naglikha ito ng ingay at kalat, nakaramdam ako ng kaba sapagkat sa unang araw ko dito ay hindi maganda ang sumalubong sa akin, lalo pa't di ko pa kilala ang magiging amo ko.

Sa kadahilanang ngayong umaga palang ko lumipat dito, sobrang lakas ng tibok ng puso ko, na wari'y nakikipagpaligsahan sa karera, at nang matauhan ako ay uumpisahan ko na sanang linisin ang mga bubog sa sahig ng may madinig akong boses ng lalaki na nagpadoble ng kaba ko at alam kung galit ito dahil sa tono ng kanyang pananalita.

"What the hell is happening here"

Napayuko ako at dahan dahang humarap sa kanya, halata sa itsura nya na bagong gising pa ito, gulo gulo ang buhok at walang damit pang itaas, kaya nahiya ako! ramdam ko din ang masamang titig nito sa akin.

"Pasensy~~!"Naputol ang sasabihin ko ng magsalita ulit sya.

"Who are you? And what th f*ck are you doing here?Are you one of those girls who tried flirting me?Just for f*cking money!!! How pathetic tsk." Saad nito sa akin.

Napayuko ulit ako dahil sa sinabi nya, kahit di ako nakapagtapos ng pag-aaral nakakaintindi din naman ako ng english, dahil nakapag aral ako noon at naging honor student pero sa kasamaang palad natigil ito.

Naramdaman ko ang pagbigat ng aking mata dahil sa luhang nagbabadya ng pumatak pero pinigilan ko ito sapagkat kailangan kong magpakatatag at hindi ako makakapayag na insultuhin ang pagkatao ko. At isa pa hindi ako ganong klaseng babae, kahit na naghihirap kami di ako makikipaglandian sa kahit na sino para lang sa pera at katulong lang naman ako dito eh!! Ang layo naman ng nilipad ng imahinasyon ng lalaking toh, magsasalita na sana ako para sabihin ang side ko pero may nauna ng magsalita kaya napalingon ako sa may pinto.

"Kuya bat mo sinisigawan si Bea ang aga² ang init ng ulo mo, ay tama nakalimutan kung sabihin sayo kasi tulog kapa kanina, kaya ngay~~" Naputol ang sasabihin ni sir Dominic, tama kayo ng nabasa kilala ko sya.

"Did i told you for meddling my f*cking life Dominic?" Sabat naman ng kuya daw ni sir Dominic na magiging amo ko ata?, di pa kasi ako napapakilala ni sir Dominic kasi tulog pa nun ang kuya nya tapos hinatid nya lang ako dito kanina at aalis din daw sya pero sinabi nya sa akin na babalik sya agad kaya nandito sya ngayon,buti nalang talaga huhuhu.

Nakita ko sa mukha ng kuya ni sir Dominic ang sobrang galit , kaya mas lalo akong natakot sa kanya at nanginginig na din ako dito sa kinatatayuan ko, bat ganon ang sama nya wala akong magagawa sya yan eh! huhuhu.

Kailangan ko din ang trabaho nato para sa mga kapatid ko sila nalang kasi ang meron ako, kaya magpapakatatag ako para sa kanila.

"Kuya let's talk" Sumeryoso ang mukha ni sir Dominic.

Nakayuko parin ako habang nakikinig sa kanila.

"Then follow me" kasabay non ang pagpasok nya sa isang silid . nakahinga ako ng maluwag.

Akmang iaangat ko na sana ang ulo ko ng mapaatras ako dahil ang lapit ng mukha ni sir Dominic sa akin.

"Hey okay ka lang Bea? Dont worry ako na bahala" nakangiti nyang sabi saakin kaya ngumuti din ako sa kanya pabalik bilang tugon.

"Cge alis muna ako" pahabol nya

Hindi na lang ako nagsalita,tumango nalang ako bilang tugon ,kaya umalis na sya, sinimulan ko na ding linisin ang kalat.

Mga ilang minuto din ang lumipas nung nakita kung lumabas si sir Dominic dun sa kwarto na pinasukan nila kanina. Humakbang sya palapit sa akin na nakangiti kaya ngumiti din ako pabalik, pagkatapos kung linisin ang mga bubog ay pinunasan ko ang mga gamit dito kaya nandito parin ako sa sala.

Kinakabahan ako baka mawalan agad ako ng trabaho kasi sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakapagtrabaho, naglalako lang kasi ako noon pero ng dahil kay sir Dominic pinapasok nya ako dito bilang katulong!

"Sir ano pong balita"kinakabahang tanong ko sa kanya.

"Okay na Bea at syaka pala, ikaw na bahala dito may pupuntahan pa kasi ako"sabi nya sa akin

Nakahinga ako nga maluwag sabay ngiti sa kanya.

"Cge po sir Dominic salamat" tugon ko

"Drop the sir, Dominic nalang" litanya nya

"Salamat ulit Do-dominic" Bea umayos ka nga bat ka nauutal aish.

Nakatanaw ako dito sa sala habang pinapanood sya na lumabas,sir Clifford pala ang pangalan ng magiging amo ko sinabi kasi ni sir Dominic este Dominic sakin ngayon lang bago sya umalis.

AT DITO NAG -UMPISA ANG ISTORYA KO.....

Ako nga pala si Bea Buenavista 24 taong gulang, kagaya ng sinabi ko kanina meron akong mga kapatid, ulila na kami dahil bata palang kami iniwan na kami ng mga magulang namin , masakit man isipin pero yun ang katutuhanan, kaya ako ang nag sisilbing magulang nila at hinding hindi ko sila pababayaan kagaya ng ginawa ng mga magulang ko dahil mahal na mahal ko sila at sila nalang ang meron ako ngayon. At bilang isang nakatatandang kapatid nila ,kaya kung isakripisyo ang lahat pati ang buhay ko para sa kanila.

A/n:GRAMMATICAL ERRORS AHEAD

The Boss: Maid To Wife (Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon