CHAPTER 19

14 3 1
                                    

Blaze Pov

Kasama ko ang butiki ngayon! Kainis si Leo na lang dapat dito eh, pinahiya pa ako kanina! Sya na nga nakabangga dun sa guest sya pa ang nag-away, walanghiya talaga! Mabuti na lang naagapan ko agad.

"hoy palaka, pakiabot nga nung juice!" galing mang-utos ah! Kala mo kung sino.

"at kalian pa ako naging utusan?" tumigil sya sa pagkain at tumingin sakin, nakakainis na talaga tong babaeng toh! Kung makatingin akala mo ni rape ko sya! never.

"iaabot mo lang ang oa mo na? eh nasayo malapit ang jui~!" di ko sya pinatapos dumaldal, ang ingay eh! Nakakarindi sa tenga! Akala mo naman makasigaw sumpong kilometro ang layo namin. Kung na co-confuse kayo kung ano ang ginagawa ko, simple lang naman! Ako mismo ang nagpainom sa kanya ng juice.

"ang bastos m~!" ang ingay talaga!

"oh ayan kumain kapa! Para naman tumaba ka, mukha ka kasing buto!" wala akong ginawa! Pinakain ko lang sya dahilan para mapuno ang bibig nya. Ang sweet ko diba? Ako pa ang nagpakain.

"walnfjnc bghrcm vsms!" tignan nyo kung ano ano na pinagsasabi!

Napansin ko ang kamao nya na papalapit sakin! Pero minabuti kung umilag! Ako na nga ang nagmalasakit susuntukin nya pa ako, abuso din tong butiking toh ah!

"wag na kasing magsalita! Oh ito kain pa!" umuusok na ang ilong nya! wala naman akong ginagawang mali!tsk.

Pagkain lang pala ang pinunta nitong butiking toh! Mukhang patay gutom, kala mo naman ilang taon hindi kumain! Kainis dinamay pa ako. Napansin ko sila miss Bea at bossing sa unahan, at ayon mukhang wala sa mood si bossing kumakain din kasi si miss Bea, ang dami pang kinuha! Magkaibigan nga talaga sila nitong butiki, silang nga lang dalawa ang kumakain dito! Nakakatawa talaga ang pagmumukha ni bossing ft haha! Si miss Bea lang nakakagawa nito kay bossing ah!

Nakuha ni Leo ang atensyon ko nang madinig ko syang magsalita sa earpiece ko!

("tol! Better to defuse the bomb now, were running out of time! Mukhang di ka ata makakascore sa kaibigan ni miss Bea tol! Ang weak mo!")

Walanghiya! Akala ko seryoso na! nakuha pang magbiro. Pero teka! Saglit nawala sa isipan ko na may gagawin pala akong mas importante! May dalang kamalasan talaga itong butiking toh!

Anong gagawin ko sa babaeng patay gutom? Problema talaga hatid nito sakin lagi.

"hoy san ang cr dito!" dahilan para mapatingin ako sa babaeng patay gutom!

"Bright idea!"

"hoy hoy! Anong (bright idea)2 pinagsasabi mo?" kanina pa toh hoy ng hoy sakin ah? Tsk, pahamak din tong bibig ko, nalakas ko pala.

"tara samahan na kita!" pagpepresenta ko, di ko na lang pinansin ang pinagsasabi nya.

"hindi mo ko sasamahan, ituro mo sakin kung saan!" tigas!

"alam mo bang maraming masasamang lalaki dito? Kung gusto di ikaw na lang, dun ka dumaan!" turo ko sa isang way habang prenteng nakaupo.

"WALA AKONG PAKE!" aba!

Di na ako nagdalawang isip na tumayo at hinila sya.

"hoy bitawan mo ko!" nagpupumiglas pa sya! napaka-amasona talaga!

"mananahimik ka? o hahalikan kita?"

"A-anong pinagsasabi mo? palaka ka talaga! L-lumayo ka nga sakin!kadiri ka!" nilapit ko ang mukha ko sa kanya, wala akong choice gusto nya talagang mahalikan! Sino ba naman sya para tanggihan ang kasing gwapo kung lalaki.

"MANANAHIMIK NA! LUMAYO KA SAKIN! Lagot ka sakin mamayang palaka ka!" bubulong na nga lang lalakasan pa!

"anong sabi mo?" mas nilapit ko pa ang mukha ko sa kanya.

The Boss: Maid To Wife (Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon