“Ako na yung susunod” bulong ko sa aking sarili.
Tumingin ako sa paligid ko. Maraming mga ngiti ang nakapinta sa halos lahat ng mga mukha. Marami ring mga nag-aantay makakuha ng diploma nila. Bumalik na rin ang tanaw ko sa stage.
Hay naku! Sa apat na taong pagpapakahirap, nakatapos na rin hanggang ng hayskul.
Graduation namin ngayon—araw ng pagpapakasaya, araw rin ng pagpapaalam. Hindi naman talaga akong masyadong nalulungkot. Mga kaibigan ko pa, tiyak! pupunta naman sa bahay ko yun pagsapit ng bukas. Ewan ko ba sa kanila, kung bakit ako ang ginagawang venue palagi. Lalong-lalo na yung isang best friend ko, hay! Mababaliw na lang ako sa kakausap. Hindi ako makatanggi eh!
Noong isang beses nga, gusto nilang mag sleep over.Tahimik lang ako sa gilid ng mesa nun, kaya lang napaildlap ang paningin nila sa akin. Ayun! Sa bahay ko natulog.
Hindi ko naman sila masisisi. Okay lang naman ni Daddy, malaki naman yung bahay namin, at mga katulong ko lang naman ang nandoon. Okay na rin sa’kin. Medyo bored rin naman ako minsan eh.
“Salutatorian. Diana Thompson”
Palakpakan.
“Ms. Diana Thompson?”
Naku! Ako na nga pala! Inulit pa yung pangalan ko. Nakakahiya naman. Eto kasing pag-iisip ko! Kung saan-saan nagpupunta.
Umakyat ako sa stage, hawak-hawak yung isang bahagi nga toga ko sa ibaba. Nagpalakpakan naman yung mga tao, sabay sigawan ng mga kaibigan at kaklase ko. Sila talaga! Ang iingay. Natatawa tuloy ako.
“Proud kami sa’yo Dianne! Whoo!”
Si Lauren yu’n. Ang best friend ko. Pito naman talaga kaming magkakabarkada kaso si Lauren yu’ng pinaka close ko. Dahil na rin siguro kaibigan ko na siya mula pa noong mga bata pa kami.
Binigyan ako ng shake hands ni Mr. Park, yung principal namin, habang nakangiti bago inabot sa akin yung diploma ko. At sa puntong yu’n, masaya na ako. Sa wakas! Graduate na rin!
Pagbaba ko ng stage, agad naman akong sinalubong ni Dad. Proud siya sa akin eh.
“Congrats anak.” Bati niya sa akin.
“Salamat Dad.” Sabi ko at niyakap ko pa siya. Hay! Naka-uwi na rin si Dad. Miss ko na siya eh. Nasa malayo kasi siya palagi dahil sa pag-aasikaso ng business namin sa iba’t-ibang sulok ng mundo.
Noong una kong sinabi sa kanya na Salutatorian lang ako, masaya si Dad, ngunit, hindi ko rin naman maipagkakaila ang pagka dismayado niya kung bakit hindi nalang ang pagka Valedictorian ang nakuha ko. Sayang daw. Pero okay na rin.
BINABASA MO ANG
My Enemy, My Destiny
Teen Fiction[Ongoing] The more you hate the more you love nga di ba? Yun ang sabi ng iba. At first, hindi ako naniniwala...Ngunit tinamaan ako. Pero kahit napatunayan ko na ito na totoo, wala pa ring happy ending sa aming dalawa. Puro na lang may humahadlang...