Chapter 6: First Day

71 2 3
                                    

“So Dianne, ano na?” pangunguna ni Rose.

“Anong ano?” pagmamaang-maangan ko. Alam ko naman rin kung anong gusto nila.

“Hay! Dianne naman o! Walang ganyanan. Eh siyempre si Tristan. Sino pa ba ang itatanong namin sa’yo?” sabat ni Rose at napakamot pa ng ulo.

Yumuko ako. “Oo na. Talo na naman ako. Tss.”

Napangiti sila lahat at lumapit.

Talagang story teller yung role ko ngayon ano? At ang masaklap pa dun, “Ang Epic Bonggacious Talambuhay pa ni Tristan Harford” yung napili nilang kuwento. Haha. O di ba? Parang Jose Rizal lang?

Huminga ako ng malalim.

“Noong first yea—”

“GUYS! ETO NA YUNG SNACKS NATIN!!!”

Nabigla kaming lahat nang may biglang sumigaw sa likod namin malapit sa pinto.

“Siguradong ako talaga ang nag prepare...nito” naging bulong na lang ang kahuli-hulihang salita niya nang makita kaming lahat na nakatingin sa kanya.

“Missy! Na naman? Si Rose ang unang nagsalita.

“Teka. Alam ko ‘yan” paghihinto niya kay Rose at tumingin sa itaas. Nag-iisip. “Ay oo! Tristan! Si Tristan yung pinag-uusapan!” masaya niyang sabi. “O di ba galing ko? Hahaha.”

-__-

Napapalo na lang yung iba sa noo nila.

“Hindi ba obvious? Of course si Tristan yung pinag-uusapan. Epal mo kasi!” –Rose.

Huminga si Missy ng malalim at nakisiksik na rin sa kama.

“So ganito talaga yun...First year highschool kami. Noong panahon na talagang tinuring ko na siyang enemy ko. As in OFFICIALLY para sa akin...

First day noon. First year high school. Of course nung first day, wala pa talaga akong masyadong kakilala dahil nga, new face di ba? At saka alam nyo naman na malayo yung eskwelahan sa bahay kaya paminsan-minsan lang akong nakakauwi. Mas gusto ko kasi sa malayo nag-aaral.”

“Ah oo. Doon sa rest house mo?” tanong ni Riz.

Tumango ako.

“Late kasi ako noon.”Tiningnan ko sina Kate, Lauren at Cath. Napangiti naman sila sa mga alaala noong unang araw at nakita ko si Cath na binubulungan si Riz.

“Siya lang kasi ang late noon. At si Tristan.” dinig ko.

Ngumiti si Riz habang binabalik yung tingin sa akin.

Late ako at nagmamadali nang tumakbo papuntang classroom. Hindi ko pa kasi alam yung mga rooms ng school kaya ayun, nawala ako. Tapos may nakita akong lalake na nagmamadali ring tumatakbo sa likod ko kaya huminto ako. Magtatanong sana in case alam niya ang kinaroroonan ng Room 1-A.

Infairness, gwapo siya ha--maputi, makinis ang balat at medyo singkit ang mga mata na talagang bumagay sa structures ng mukha niya...NOON yun noong una ko siyang tingnan at sa looks pa lang, feel mo ang cool, cool nya. And he kind of reminds me of someone I know. Somewhere. Hindi ko lang alam kung sino. NOON.

Pero nung time na yun, medyo subsob na ang isip ko sa kaba kaya nawala na agad yung mga tingin ko sa kanya at nagpasya na lang na magtanong. Baka makatulong. Eh sa tingin ko, parang hindi naman siya nawawala at alam na niya ang dinadaanan niya.

My Enemy, My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon