Chapter 2: Him

63 4 0
                                    

Doon nga, pumunta kami sa bagong restaurant.

Sasakyan ni Lauren ang ginamit namin kasi nga nakisabay lang ako kay Dad papuntang school. Sabi naman ng iba, sayang raw ang gas kung individual kaming mag car at wala na ring parking space. Okay lang naman ni Lauren eh. Pang bonding moment daw.

Excited yung mga kaibigan ko kahit sa pagpasok pa lang. Halatang gutom na. Eh sa pabigla bigla kong drama kanina siguro nakalimutan na nilang magdala ng popcorn. Kaya ayun. Nananawagan na yung mga tiyan.

Pagpasok talaga namin, marami  nang tao. Karamihan, mga kaklase ko.

Promo weekend kasi ng restaurant na ‘to ngayon. Kaya nga dito namin napiling kumain eh. ‘Eat all you can’ kasi.

Binati naman ako ng ilan kong mga batchmates ng ‘Congratulations’ habang papunta sa mesang uupuan namin. Tsk. Buti pa sila.

At kita ko naman si Riz na tulala.

Binalikan ko siya at tinignan kung saan siya tumitingin.

Ah, kaya pala.

Nandiyan nga pala si Red. Crush niya. At sa kasamaang palad, best friend ni Mokong. Tsk! Pero good vibes lang ako sa kanya ha? Di kagaya kay Mokong. Nginitian ko muna si Riz bago binati si Red.

“Hi Red!” bati ko.

Nag “hi” naman siya pabalik at may matching smile pa.

Namula tuloy pisngi ni Riz. Haha.

Tiningnan ko siya at binulong, “‘Hiya ka pa kasi eh” saka ko hinablot kamay niya.

Tahimik lang silang pagkaupo namin.  Kahit isang topic man lang tungkol sa KANYA, wala akong narinig. Hindi ko nga alam kung magpapasalamat ba ako o hindi kasi SIYA naman talaga kadalasan topic nila. Ang awkward lang ng sitwasyon ano? Ewan ko ba. Pero tinatamad rin naman akong basagin ang katahimikan kaya tumahimik lang din ako.

            At, kumalma na rin. Kahit naman ang dali-dali kong mainis, madali rin naman akong kumalma. Parang switch lang. On/Off. Mga kaibigan ko nga naguguluhan sa akin minsan. 

Kami lang nina Riz, Kate, Rose, at Cath ang nakaupo. Pagpasok na pagpasok  pa lang namin sa restaurant, nag volunteer kasi agad si Missy na siya nalang daw ang o order. Kaya ayun, sinamahan ni Lauren.

 Hay Naku! Hindi talaga mawawala yang si Missy lalong-lalo na kapag ang sitwasyon may connection sa pagkain. Kahit topic lang basta pagkain pag-uusapan, laging yang nandyan. Always present kasi, never absent. Haha.

 Kaming lahat naman nakapwesto na sa isang table. Nag-aantay.

Yun nga lang, ang tahimik.

Kahit isang boses mula sa kanila, wala akong narinig. Tsk! Okay lang ba sila? Kanina pa ‘to ah!

‘Hello guys?’ isip ko at may pasulyap-sulyap effect pa. ‘Guys! Huhuhuhu. Pansinin nyo naman ako!’

Pero wa effect pa rin eh! Naks naman! Bahala na to.

“Guys! Ano ba nangyari sa inyo?” tanong ko just to break the silence. Kung hindi lang kami nakaupo sa isang restaurant na may maraming taong nakapalibot sa amin, siguro mabibingi na talaga ako...sa katahimikan.

Pero walang nagsalita.

“Kayo naman o. Pinapabilog na naman ninyo utak ko” sabi ko ulit.

Ganun pa rin. ‘Huhuhu’ drama ko sa aking isipan.

Naglalaro lang si Rose sa mga kuko niya. Paidlap idlap naman  pagtingin sa akin si Riz na para bang nagpapansin. Si Kate nagtetext lang sa silya at si Cath naman, naka earphones.

Anong nangyari sa mga ito?

Teka. Teka. Parang alam ko na ibig sabihin nito ah.

Nag sigh ako. “Sige. Ano gusto nyo malaman?”

Nagsilapitan silang lahat. Huminto si Rose sa paglalaro ng mga kuko niya, si Riz naman, naka lean na sa mesa na para bang makikinig ng bedtime stories; nilapit ni Kate yung silya niya at si Cath naman tinanggal yung earphones. Eto talagang mga to!

Lumapit na silang lahat sa akin. Eyes wide. Ears open.

“Dianne! Bakit ba hate mo siya nang husto?” pangunguna ni Cath.

“Eh kahit na mag best friends tayo, natatakot pa rin naming itanong sa’yo kung bakit, kasi baka sasabog ka na naman. Pero hindi na kami makatiis eh. Chismosa na kung chismosa basta gusto talaga naming malaman” second in motion naman ni Rose.

“Oo nga. Ano ba talaga nangyari sa inyong dalawa?” –Riz.

Ano raw?

So nagtutulungan pala ang mga ito. Interview lang? Showbiz Central? Kung maka tanong kasi, wagas eh.

Tumawa ako ng konti sa mga sinabi nila.

“Sige na naman Dianne! Ikuwento mo na sa amin!” sabay nilang lahat.

Naks! At pinagalitan pa ako? Curious ng mga ‘to! Kahit nga si Kate, curious din. Eh alam na naman niya.

Tiningnan ko muna sila isa-isa.

Pursigidong pursigido talaga nilang malaman ano?

“Oo sige na. Sige na. Talo na ako” sagot ko. Etong mga ‘to. Sige na nga. Kontrolado ko na rin naman emotions ko eh. Sadyang sumabog lang talaga ako kanina. Hehe.

Nagsilapitan silang lahat nang husto. Natatawa na nga lang ako sa mga mukha.

“Nung una kas—”

“Guys! Okay na yung order ny—” sigaw ni Missy. Naputol pagsasalita ko at napatingin naman yung apat sa kanya.

“SSHHHHHH!” At nagsabayan pa talaga sila. Wow ha?

Tumawa na talaga ako.

“Missy, eto na yun eh! Eto na. Dumating ka pa!” sabi ni Rose na may kasama pang pataas baba ng kamay.

Tumawa ulit ako. Kung i translate ko kaya... ‘Missy, this is it! This is really really is it is it. You joiner pa kasi eh’ Haha. Jowk lang. Ganu’n ba talaga kalaki ang tama ng lalakeng ‘yun sa mga kaibigan ko? Naks naman!  

“Wow, ako lang talaga? Eh ano ba kasi yang pinag-uusapan nyo na para bang excited na excited kayong maki—” – Missy

“Si TRISTAN!” sabay sigaw nilang lahat.

Ayun. Nasabi na nga nila. Si Tristan. Hindi ko na pala kailangang sabihin.

Oo. Tristan ang pangalan ng taong kinaiinisan ko. My mortal enemy.

Tristan Josh Harford.

At sa tuwing makikita ko siya, para bang may part sa akin na nagsasabing kaaway ko talaga siya. Ewan ko ba kung sa utak ko lang yun o sa puso. Kung both, hatred. Kung isa lang yung pagpipilian, siguro hatred pa rin. Hindi mawawala yun.

Pagkasabing pagkasabi nilang ‘Tristan’, ay kumuha agad si Missy ng upuan at lumapit.

“Tapos? Anong nangyari?” sabay bulong niya at isiniksik pa yung sarili sa table namin. Napatingin tuloy sa kanya yung iba.

Mas wow ha? Para lang nakikinig kanina ah! Haha.

Tumabi naman si Lauren sa akin. Kakarating lang niya galing CR pero alam na niya pinag-uusapan. Basta si Lauren, ganun talaga yun. Tumingin muna siya sa akin. Gets ko na agad sasabihin niya...kung okay lang ba sa akin na pag-usapan si Tristan.

Tumango ako sa kanya at nag smile.

“Siguro dapat na nilang malaman,” bulong ko.

My Enemy, My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon