Hello na naman po sa inyo guys! Trip ko lang kasi ‘to kaya pagpasensyahan nyo na. Hehe. Gusto ko lang kasi malaman kung ano ang tingin nyo sa story ko so far... kahit na hindi kayo mag vote o napapangitan kayo sa story ko, okay lang, mag comment lang kayo. Sanay naman ako sa real life ko eh na makarinig ng mga rude words kaya okay lang din kung magcomment kayo ng hindi maganda. It’s for my improvement naman siguro di ba? Pero wag masayadong rude ha? Baka masira laptop ko buhat sa mga luha ko. Hehe. Joke lang. Hindi naman ako iyakin. Anyways, kung nakaabot na kayo sa chapter na ito. Congrats. Natiis nyo pa story ko. Haha. Continue reading lang po. Promise ko sa inyo, sa susunod na mga chapters, papatawanin ko na naman kayo. ^_^
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
“So, doon nagsimula ang pagiging enemy mo sa kanya? Sa mismong first day of school?” tanong ni Rose.
“Hindi pa naman officially pero yes” sagot ko.
“Guys, snacks muna tayo pwede?”
Tumingin ang lahat sa kanya.
“Missy naman—” –Rose.
“Huwag kang KJ. Gutom na ako kaya wala ka nang magagawa.” Hindi na pinatapos ni Missy si Rose na magsalita. At halata naman ring panay ang tingin ni Missy sa pagkain na nasa tabi lang niya habang ako ay nagkukuwento. Ba’t ba kasi hindi na lang siya kumain habang nakikinig?
“Sige na guys! Gutom na ako” ulit nya.
“Eh ba’t ba kasi hindi ka kumain kanina?” –Lauren.
“Kumain ako nu? Ang sarap nga nung ulam.”
Tumingin si Lauren sa akin panandalian. Naalala niya siguro yung allergy ko kanina. Tapos bumalik na naman siya kay Missy.
“Hindi yung sa restaurant. Ngayon, habang nakikinig ka kay Dianne.”
Yun nga ang iniisip ko kanina.
“Eh. Kasi. Akala ko. Ah basta! Ako yung nag prepare tapos ako yung unang kakain? Di naman pwede yun!” sabat niya.
“Baka may lason yan ha? Kaya pinapauna mo kami.” singit ni Rose.
Sinamaan siya ng tingin ni Missy at nakita ko na lang si Rose na lumunok.
Hay! Eto na naman tayo.
“Oo, may lason ‘yan. AT PAGKAIN MO LANG ANG NILAGYAN KO! Huwag kang mag-alala, ilang minuto lang ang itatagal mo, Rose. O sige kain na!” sabi ni Missy with a smile at inabot sa kanya yung isang cupcake.
Tiningnan lang ni Rose ang cupcake na hawak-hawak ni Missy tapos kumuha ng iba. “Missy naman o. Eto na. Kakain na ng ibang cupcake” sabi niya habang binabalatan ito. “Biro lang naman kasi” narinig ko siyang bumulong.
“Subukan mo akong asarin ulit at talagang lalagyan ko na yan ng lason” banta ni Missy. At tumawa naman kami.
“O kayo? Kain na!” yaya niya sa amin. Pero tiningnan lang namin siya at walang ni isa man ang kumuha.
“Uhm, Missy? Sure ka bang walang lason ‘to?” sabi ni Cath habang tinitingnan yung mga cupcakes.
“Huhuhu! Guys naman o! Naniniwala kayo nito?” tinuro niya si Rose na panay ang kain nung isang cupcake.
“Huh? May lason ang cupcake?” Napahinto ng pag kain si Rose tapos tinignan niya ako. Napatingin naman ako pabalik sa kanya tapos napaluhod siya sa harapan ko. Umatras ako.
“Dianne! Huhuhu! Mamamatay na ako, Dianne! Paalam. Sayonara, Despidida Adios, Au Revoir... Mamamatay akong hindi ko man lamang nasilayan ang pagsikat ng araw ng aking Inang Bayan... Huhuhu!.” pagsasalita niya at tumingin sa itaas— right palm on her heart—na hindi ko naman alam kung ano yung tinitingnan niya habang binibitawan ang hinahawakang cupcake sa kabilang kamay.
BINABASA MO ANG
My Enemy, My Destiny
Teen Fiction[Ongoing] The more you hate the more you love nga di ba? Yun ang sabi ng iba. At first, hindi ako naniniwala...Ngunit tinamaan ako. Pero kahit napatunayan ko na ito na totoo, wala pa ring happy ending sa aming dalawa. Puro na lang may humahadlang...