....
“So...naaalala mo na ako?” tanong ko pa rin kasi palagi naman talaga siyang ganyan.
Isa lang ang sinagot niya sa akin. At hindi pa talaga ako tinignan.
“Hindi.”
At ni hindi man lang nag-iba yung emotions niya. NAPAKA EMOTIONLESS TALAGA!
Umalis ako at hindi na lumingon muli sa kanya. Try ko kaya siyang patayin ano? Pero pinigilan ko talaga ang sarili ko. “He’s not worth it” bulong ko. “First day mo ngayon at huwag na huwag ka talagang gumawa ng iskandalo. Huwag.” Parang sine sermonan ko yung sarili ko.
Matapos kong makipag-usap sa walang kwentang lalakeng ‘yun ay umalis na agad ako.
Pero...may humarang sa dinaanan ko.
“Hoy! Akala ko ba kilala ka ni Tristan?” Yun ang greetings niya sa akin. Isang babae ang tumambad sa paningin ko kasama yung iba ‘nyang mga katropa.
Sino ba talaga ang babaeng ito? Ang epal ng moment. Napahiya na nga ako, dadagdagan niya pa?
Wait lang. Ah! Oo, siya pala yung babaeng nakausap ko kanina. Dapat ko nga pala silang i greet ano? kasi nga, greetings na siguro nila yun.
“Good morning” pag reply ko at linampasan sila. Alam ko namang mapapahamak ako nito.
Pero hinawakan nung isa ang braso ko.
“Bad morning din. Teka. Teka lang. Akala ko ba malinaw sa’yo ang lahat ng pinag-usapan natin kanina? Hindi ka namin pararaanin right? Eh, pinopormahan mo lang pala si Tristan kanina, malas naming naniwala pa kami sa’yo!”
Inalis ko yung kamay niya sa braso ko. Yun lang. Hindi naman talaga ako nakikipag-away kahit noon pa. Mahal kaya ako ng mga kaklase ko at niririspeto nila ako ‘di gaya sa eskwelahan na ‘to.
“Alam mo miss, totoo naman talaga lahat ng sinasabi ko kanina. Hindi ko lang alam kung anong nakain ng lalakeng yun o di kaya’y nabagok ang ulo ng lalakeng yun kaya hindi niya ako naaalala. O baka mismo nagsisinungaling lang yun” paglinaw ko.
Feel ko naman napagalit ko siya at yung iba niyang mga kasama sa sinabi ko kaya binulyawan niya ako. Nagsitinginan tuloy yung mga tao sa? amin.
“So you’re telling me HESALAYER? Huh? HESALAYAR?! He is a liar, HESALAYER?!!!” Yun ang mga salita niya sa akin. Paulit-ulit.
Nagdadrugs ba to?
“Miss, alam mo. Walang akong pakialam sa HESALAYER na sinasabi mo diyan basta’t ang alam ko, tapos na ang fifteen minutes na break ko at nasayang lahat ng ‘yun dahil sa lalakeng kunwari ‘nyong sinasamba. At isa pa, hindi talaga ako nakikipag-away kaya’t pwede bang paraanin ‘nyo na ako?” kalmado kong sabi.
“No. Never!” sabat niya sa akin at mistulang ginawa pa ang sarili bilang road sign na ‘Sorry for the inconvenience. Road under repair’ para hindi ako makaraan.
May kamay naman na biglang kumalabit sa balikat ko. Akala ko naman kung sino.
“Dianne! Halika na. Kanina pa kita hinahanap eh, andito ka lang pala.”
Si Lauren yun. At talagang niligtas niya ako sa kapahamakang ito. O talaga bang niligtas niya ako?
“Ah! Kaibigan mo ito?” tanong nung babae sa akin. “So ano? Next in line galing sa lying squad din ba ‘to?”
What?! Grabe siya ha? Wala naman kaming ginagawang masama. At isa pa. BESTFRIEND KO ITO.
“Teka. Teka, Dianne. Sino ba ang babaeng ‘to?” tanong ni Lauren sa akin na mistulang na shock din sa reply na binigay sa amin.
BINABASA MO ANG
My Enemy, My Destiny
Teen Fiction[Ongoing] The more you hate the more you love nga di ba? Yun ang sabi ng iba. At first, hindi ako naniniwala...Ngunit tinamaan ako. Pero kahit napatunayan ko na ito na totoo, wala pa ring happy ending sa aming dalawa. Puro na lang may humahadlang...