“Dianne!”—pangungulit ni Lauren sa tabi ko.
Nakaupo kaming dalawa sa back seat ng sasakyan at nagkukuwentuhan. Ay! Hindi! Siya lang pala.
“Dianne!” tawag nya. Hindi ko na siya napansin kasi may mali eh. May mali talaga akong nararamdaman. At kanina pa to.
“Dianne...” ulit naman niya at ngayon may mga sinasabi siya na hindi ko na talaga naiintindihan.
“Lauren” bulong ko. Di ko lang alam kung narinig ba niya iyon. Para na kasi akong bubuhos eh. Umiikot na yung paligid ko.
Patuloy pa rin si Lauren sa pagsasalita na parang hindi talaga niya ako narinig.
“...kasi naman Dianne, ang cute cute nya. Pero hindi ko siya crush a! Maybe a little pero mas bagay talaga kayo as in bagay na bagay na sobrang sobra...” pagsasalita pa rin nya.
Ano raw? At nakita ko na may kinuha siya sa wallet niya.
Litrato? Pero hindi na ako nakapagconcentrate sa kanya kasi pinahinto ko na talaga si manong driver. Hinding hindi ko na talaga kaya.
Binuksan ko yung pinto ng sasakyan saka lumabas.
“Dianne? Okay ka lang? Saan ka pupunta?” yun lang ang narinig ko na sabi niya. “Teka, buntis ka ba?”
“Basta!” sigaw ko. Wait. Buntis ba ka niya? Hindi no! Teka... “basta” ba ang sinagot ko sa kanya?
“Hindi ako buntis no? Medyo nahihilo lang na parang nasusuka” sigaw ko pabalik at nagpatuloy na rin sa paglalakad.
Teka. Parang buntis rin yun ah!
“Nasusuka lang pala ako sa kinain natin kanina!” bawi ko. Sana narinig lang nya yun. Hindi ko na kasi kaya eh. Kailangan kong makalayo.
Pero teka nga, mukhang alam ko ang pakiramdam na ito a!
“Aahhh! Ba’t ko naman kasi kinain yun! Kainis!” bulong ko habang pinapagalitan yung sarili.
“Dianne? Okay ka lang?” tanong ni Lauren sa akin habang hinihimas yung likod ko.
Hindi talaga ako okay, Lauren.
“Oo, okay lang ako. Doon ka na.” pagtataboy ko pero di pa rin siya umaalis. ‘Bakit ba? Nagsinungaling na nga ako na okay ako di ba? Huhu. Lauren, ‘wag mo na ulit akong tingnan na ganito!’
BINABASA MO ANG
My Enemy, My Destiny
Teen Fiction[Ongoing] The more you hate the more you love nga di ba? Yun ang sabi ng iba. At first, hindi ako naniniwala...Ngunit tinamaan ako. Pero kahit napatunayan ko na ito na totoo, wala pa ring happy ending sa aming dalawa. Puro na lang may humahadlang...