Para sa aking "Yeodongsaeng".. haha.. i dededicate ko po itong isang chapter ng story ko sa'yo.. sana may time ka pa para basahin ito mula sa simula ng kuwento.. :) Ahn-nyeong!
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
“Mr. Harford at Ms. Thompson, first day pa nga ng klase at late na kayo agad. Lalong-lalo na ikaw, Mr. Harford, matagal ka nang nag-aaral sa paaralang ito pero hindi ka pa rin natututo.”
Tahimik ang buong klase at si ma’am lang talaga ang nagsasalita.
Nakita kong umiwas siya ng tingin sa guro habang sumasagot. “Pasensya na po. Hindi na po mauulit.”
At lumipat naman yung tingin ng titser sa akin. Ah! Siya siguro si Ms. Perez. Yung sinabi ng prinsipal na magiging adviser ko. Miss pa nga lang kasi hindi pa raw nag-aasawa..
“At ikaw naman, Ms. Thompson, wala ka nang oras upang maipakilala ang sarili mo sa buong klase kasi nga naubusan na tayo ng oras. And so do you, Mr. Harford. Kahit na matagal ka na dito kailangan mo pa ring magpakilala kasi nga bago pa ang halos lahat ng mga estudyanteng magiging kaklase mo. Kayo na lang ang bahala mamaya. Buti na nga lang at first day of school ngayon dahil kung hindi, ilalagay ko talaga kayo sa detention. O sige. You may seat down.”
‘Thank you po’ bulong ko habang nakayuko. Nauna nang lumakad yung lalake at unexpectedly, dalawa na lang yung natitirang seats sa likuran. Magkatabi pa talaga ha? At nakita ko rin si Lauren. Kaso nga lang, may nakaupo nang iba next to her.
So magkatabi pala kami ng lalakeng to?
Huminga ako nang malalim.
Kahit naman na tinuro niya sa akin yung daan papuntang classroom ni hindi man lang niya ako tinulungang bumangon kanina. Tsk! Pero okay na rin. At least nakarating pa ako dito.
Nagkibit balikat ako at nakinig na lang kay Ms. Perez.
Siguro mamaya ko na lang ipakilala yung sarili ko kaysa naman mapagalitan na naman ako nito.
Tumingin ako sa kanya panandalian.
Para talagang may kamukha siya. Somewhere...
***
After classes.
Bago pa lang kaming dinismiss ni Ms. Perez pero half empty na agad yung classroom. Ako na lang ata ang natitira. Si Lauren kasi nagpasyang mag-antay na lang sa akin sa labas. Pero ang weird talaga. Lahat nawala. Pati yung lalakeng tumulong sa akin kanina, hindi ko na rin namalayang lumabas.
Nagkibit balikat ako.
Maybe nagmamadali lang sila sa next class nila. Grabe ang mga students dito ha? Ang sipag. First day pa lang at! Mga fifteen minutes pa nga lang bago mag start yung next subject ay excited na excited nang makapunta sa klase.
Habang inaayos ko yung gamit ko at papalabas na rin ay doon ko narinig yung mga ingay. Hindi rin naman masyadong malakas pero para bang ingay ng mga taong nagbubulung bulungan na malakas ang bulungan. Ewan ko ba. Nag decide na rin akong puntahan ang mga yun. Out of curiosity lang.
At doon ko nakita.
Nagkakagulo yung mga tao. Nagtititigan, nagbubulungan, nagtutulakan...sa isang bagay?
BINABASA MO ANG
My Enemy, My Destiny
Teen Fiction[Ongoing] The more you hate the more you love nga di ba? Yun ang sabi ng iba. At first, hindi ako naniniwala...Ngunit tinamaan ako. Pero kahit napatunayan ko na ito na totoo, wala pa ring happy ending sa aming dalawa. Puro na lang may humahadlang...