Chapter 3: First Meeting

56 3 1
                                    

“Kababata namin si Tristan noon.”

“What?!” sigaw nilang lahat. Over shocking yung mga faces nila. Hindi makapaniwala. Nakabukas pa nga yung mga bibig eh. Except kay Kate. Alam na kasi niya.

“Totoo?” bida ni Rose. ‘Eh sabi ngang oo.’

“Paano nangyari yun?” tanong naman ni Cath. ‘Ewan ko ba.’

“So magkakilala na pala kayo bago mo palang siya i hate.” – Riz. ‘Hay Naku! Paulit ulit?’

“Uber? So, anong nangyari?” – Missy. ‘Ayun nga, magkababata kami.’

Nag sigh ako. Sabi ko na nga eh. Magkakaganito sila. Ang daming tanong! Tinatamad na akong sagutin kaya sa isip na lang ako nagsasalita.

“Oo. Kababata ko siya. Kami ni Lauren. Kababata namin siya” ulit ko for the last time.

At unti unti namang lumingon ang mga ulo nila papunta kay Lauren.

Tumango siya.

“Wow. Parang kami lang pala ni Ranz” dinig kong pabulong ni Rose habang nakatitig pa rin.

Nagsitingingan na niya ang lahat. Pati ako.

“Sinong Ranz?” tanong ni Missy.

Curious nga kami. Eh wala naman siyang na memention na Ranz before. Ngayon lang.

“Ah wala. Yung kababata ko. Basta! Kalimutan nyo na yun.” pag dedefend niya.

“Yiii” pangungulit naman nila. Haha. Kinikilig agad.

“Ikaw Rose ha?” tukso ni Riz.

“Tsk. Guys, kayo naman o! Paano na yung kuwento ni Dianne?” –rose/

Hehe. Nakalimutan na nga nila ako.

“Oo nga no?” sabi ni Missy at napunta na naman lahat ng paningin sa akin.

Napalunok ako.

“Dianne. Ano nang nangyari? Di ba kababata kayo? O, tapos?” Si Missy naman o, excited.

“Ayun nga. Magkababata kami. Pero sandali lang yun. Mga ilang buwan lang. Lumipat kasi sila agad” kuwento ko.

Yup, ilang buwan lang kami nagkasama. Pero sa ilang buwan na ‘yun, nakilala ko na siya. Kahit kaaway ko na siya ngayon.

“So, yun na yun?” tanong ni Cath.

“May mga nagsabi kasi na family problem raw ang dahilan kung bakit sila lumipat. Ewan ko ba! Mga bata pa kami noon eh” explain ko.

“Oo nga. Pero bakit ba kasi hate mo siya nang husto? Ano bang ginawa niya sa’yo?” –Missy

Nag sigh ako. “Eto kasi yun...

(Flashback)

...hindi ko naman siya hate nung una eh. Nung unang una ko pa palang siyang nakita...

My Enemy, My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon