Hindi kami umalis agad pagkatapos naming kumain. Gusto ko na ngang umalis pero pinipigilan nila ako. At pinagsabihan pa talaga ako.
Eto naman sila. Concentrate na concentrate talaga. Eh kasalanan ko rin naman kung bakit nagpupumilit silang malaman ang tungkol sa amin ni Tristan kasi nga, ayaw ko itong pag-usapan. Yun nga, wala silang magawa para pilitin akong magsalita. Haha. Pero ngayon, graduate rin na naman kami eh. At wala nang saysay para itago ko pa yung mga “epal” memories ko sa kanya.
“Sige Dianne. Continue ka na. Tapos na rin naman tayong kumain eh” sabi ni Missy sabay ubos ng coke niya.
“Sige na. Excited na kami sa susunod na mga episodes.” –Rose.
Episodes talaga? Anong bang tingin nila sa kuwento ko? Pelikula?
“Guys, hindi ba pwedeng huminto muna ak—”
“HINDI!” sabay nilang lahat.
“Ikaw naman Dianne. Excited na nga kami o!”—Cath.
“Pero guys ting—” reklamo ko sabay tayo.
“Ah wala!”—sabat ni Missy habang hinihila ako pabalik sa aking upuan.—“Tapusin mo muna ang kuwento.”
Ano nang nangyari sa kanila? Naks naman. Mukhang trapped na talaga ako. At feel ko bukas pa talaga ako makakalabas dito.
“Aww.!” reklamo ko tapos tumingin ako kay Kate. Siya kasi palaging nagpapahinto sa kanilang lahat. Siya nga ang mama namin di ba? “Kate. Tulong.” Pagdadrama ko.
“Sige na. Sila na nga yung humihiling di ba? Pagbigyan mo na” sabi niya sabay ngiti.
“Yay!” sigaw-sigawan nung iba. Naks!
“Lauren?” tumingin ako sa kanya.
“Arte mo pa kasi eh. Si Tristan na ngang pinag-uusapan may pahinto-hinto ka pa. Tuloy mo na kasi” sabat niya sa akin.
At doon, talo na talaga ako. Sumiksik nang lalo sina Missy, Cath, Rose, Kate at Riz sa table. Si Lauren, stay in place pa rin kasi nga katabi ko siya.
Nag sigh ako.
Pagkatapos ng first meeting namin noon, ay mas naging mapalapit kami ni Lauren sa kanya. Hindi naman masyadong malapit. Konti lang. Hinahamon ko kasi siya sa mga bagay-bagay na naiisip kong pagtitripan kaso nga lang, kadalasan akong talo. Pero hindi lahat ah! Panalo din naman ako minsan. Naging kalaro namin siya minsan pero hindi naman talaga siya naglalaro,namamasyal lang tapos sinasamahan lang namin. Gets naman namin eh. Namamasyal lang siya ‘pag nagsasawa na siya sa venue niya o di kaya’y tinatamad nang magbasa. Ah basta. You get the point.
Pero may isang gabi talaga na napaka unusual. Kasi nga gising pa ako noong gabing iyon at nanonood ng TV nang may narinig akong ingay sa labas. Tumingin ako sa may bintana at nalaman ko na doon pala nanggagaling yung ingay sa bahay nila. Nagsisigawan eh, parang nag-aaway. Alam ko namang hindi narinig nina Mom at Dad kasi nga tulog na sila nung oras na yun at pag natulog yung mga yun, bihira na kung magising. Nakita ko nalang si Tito Walter—yung tatay ni Tristan—na lumabas ng bahay nila papunta sa sasakyan niya. Lumabas naman si Tristan at tinawag yung Papa niya. Hindi siya umiyak sa pagkakakita ko siya pero nandoon talaga sa mukha niya na pinipigilan niya lang yung sarili niya. Naawa tuloy ako.
Ngumiti yung mga kaibigan ko pagkasabing-pagkasabi ko talaga ng “Naawa” pero hindi ko na sila pinansin.
Yun nga, bumalik si Tito Walter at lumuhod upang magkasintaas lang sila ni Tristan. At may sinabi siya sa kanya noon. Di ko lang alam kung ano pero ang masaklap doon, hindi na natuloy sa pag-alis ni Tito Walter kasi nga tinawag siya ng mga katulong upang bumalik sa loob ng bahay. Nagpapanic eh. Doon ko lang nalaman na hinimatay na pala si Tita Anne at isnugod kaagad sa ospital.
“Ay... kawawa nga talaga” bulong ni Riz.
“Grabe naman ano?” bigkas naman ni Kate. Hindi niya kasi alam to. Konti lang yung mga naririnig niya sa amin ni Lauren at first time ko rin naman itong ikinuwento kanino man.
Nagpatuloy pa rin ako.
Mga ilang araw matapos ng gabing iyon ay nakita ko na lang yung mga katulong na pinapalabas yung mga gamit sa bahay nila at si Tristan na nakaupo sa kotse, naghihintay yata. Di ko nakita yung Mama niya pero nandoon naman yung Papa niya. Lilipat na raw kasi, sabi ni Manang Hermie. Pero hindi ko talaga alam kung ano ang dahilan ng pag-alis nila. Eh bata pa kasi ako, napapagod na akong magtanong. Hindi na ako nakapagpaalam sa kanya kasi nga, sinundo na ako ng school bus ko at hindi na rin ako nabigyan ng pagkakataong kumaway man lang for the last time.
Wala man lang silang reaksyon nun?
Ah. Siguro concentrate sila masyado sa trahedya part ng kuwento ko. Haha.
Yun na yun. Ang kahuli-hulihang pagkakataong nakita ko siya.
“Naks naman Dianne o. Akala ko flashback pa rin. May pahinto-hinto style ka pa” sabi ni Cath.
Nag smile ako. Naisahan ko na rin sa wakas. Haha.
Nag stretch naman ng katawan si Rose. “Grabe Dianne ano?” sabi niya.
Pero si Missy na ang sumabat sa kanya. “Oo nga, nakakaawa talaga siya.”
Tinignan naman siya agad ni Rose na nakakunot ang noo. “Ang sabi ko, ‘Grabe naman kung makapagsalita si Dianne ano?’ eh kasi mukhang tayo na nga lang at yung table na nandoon ang natitira dito eh. Kanina pa tayo. Patapusin mo muna ako Missy ha? At saka hindi naman ikaw yung kinakausa—” At binigkas pa talaga niya yung bawat salita.
Hindi na siya pinatapos ni Missy na magsalita. “Ba’t naman kasi hindi mo tinapos agad?! Akala ko pa naman tuloy na tapos ka nang magsalita! At ba’t mo ba kasi sinisira palagi yung moment ko?!”
Boom. Pikon na ata siya.
“Uy! Chill ka lang. Biro lang naman eh” pagpapakalma ni Rose habang tumatawa. Mukhang nainis talaga niya nang sobra si Missy.
Inirapan lang siya ni Missy.
“Guys, what if sa bahay na lang kaya tayo magkuwentuhan? Tama naman si Rose eh, kanina pa tayo nandito” pag-iiba ko para matigil na rin pag-aaway nila. “Pero uwi muna kayo sa bahay ‘nyo at magbihis. Kita kits na lang tayo ulit” dagdag ko pa. Sumasama naman rin kasi pakiramdam ko.
“Pero Dianne, malayo yung bahay ko” sabi ni Rose.
“Sa akin rin.” –Kate.
Shaks. Oo nga no? Ba’t ‘di ko nabatid yun?
“At matatagalan pa ako ng pagdating kung magpapahatid ako kay Manong pabalik sa bahay,” –Rose.
“Ah! Sama na lang kaya kayo sa apartment ko. May mga naiwan akong damit roon.” pagmamagandang loob ni Cath.
“Sige! Thank you in advance Cath!”At niyakap ni Rose si Cath na para bang isang batang gustong buhatin siya.
“Walang. Anuman. Ang bigat mo!”
Tumawa naman kami. Hay! Friendships.
Nagsimula na rin kaming magsilakad kanya kanya. Sumama naman ako kay Lauren kasi nga nasa bahay yung sasakyan ko. At magkatabi rin naman kami ng bahay so okay na rin.
Ang awkward ano? Enemy ko yung lalakeng yun pero parang may konting awa pa rin ako sa kanya. Siguro nagpapaalala lang yun na MABAIT talaga ako. Haha.
BINABASA MO ANG
My Enemy, My Destiny
Teen Fiction[Ongoing] The more you hate the more you love nga di ba? Yun ang sabi ng iba. At first, hindi ako naniniwala...Ngunit tinamaan ako. Pero kahit napatunayan ko na ito na totoo, wala pa ring happy ending sa aming dalawa. Puro na lang may humahadlang...