Chapter 10: Imahinasyon at Panaginip

40 1 1
                                    

Matapos ang pangyayari ay tinawagan ko na lamang ang kuya ni Cath upang sunduin siya. Hindi naman talaga ganoon kalayo ang bahay nina Cath sa amin compared kina Rose at Kate at kung tutuusin, pwede rin naman siyang makakauwi nang mag-isa pero feel ko mas makabubuti kung may karamay pa rin siya hanggang sa pag-uwi.

Medyo madilim dilim na rin ang langit—mukhang mga past seven thirty na ata nang dumating ang kuya niya mayamaya lang. Agad ko namang sinalubong si Kuya Kevin upang ipagkatiwala na si Cath sa kanya at sinabi ko sa kanya ang lahat ng nangyari. At first, concern si Kuya sa lagay ng kapatid niya buhat sa nangyari pero sinabi ko na rin sa kanya na tapos na ang lahat.

Nagpaalam si Cath sa akin at nagpasalamat once more. Pati na rin si Kuya Kevin at bago sila tuluyan nang umalis, ni remind ko siya sa flight namin bukas. 

Ngumiti siya sa akin at tumango.

Hay! Sa wakas okay na rin ang lahat.

Bumalik ako sa loob ng bahay at doon ko nalamang tulog na rin pala si Dad kaya umakyat na rin ako papunta sa kwarto ko. Hindi na rin ako kumain. Magpeprepare pa kaya ako para bukas at busog pa rin naman ako sa cupcake ni Missy kanina.

Oo yung cupcake na may lason.Haha.

Pero sa totoo, may lason nga yun. Nakakalason nga ang sarap eh.

Masarap naman talaga.

Kinuha ko yung luggage ko tapos sinimulan na ang paglalagay ng mga damit at gamit pang beach. Mga one week or so rin ang pananatili namin doon at kailangang hindi magkulang ang aking mga dala. Kung sa bagay, pwede rin naman akong bumili na lang pero mas feel ko pa rin yung mga damit ko ngayon kaysa sa mga bago.

Nang tapos na ako at sa wakas nakahiga na rin sa kama ko, hindi muna ako natulog. Hindi pa rin naman ako inaantok eh, medyo pa lang. Hehe. Pero hindi muna ako magpapadala sa medyo na yun. Marami pa akong iniisip at pilit na iniisip.

Di ko rin alam kung bakit sa dinami dami nang nangyari sa akin...sa aming dalawa ni Tristan, nung pagkakataon pa sa graduation namin naisipan niyang tumahimik sa akin.

Akala ‘nyo ang tahi tahimik nya? Pwes. Hindi ‘no!

Buong highschool na naging enemy ko siya hindi kaya siya tahimik sa akin.

Sa totoo lang, napapansin ko, sa akin lang talaga siya pumapatol. Hindi yung patol na iniisip nyo ha?... Yung patol ba na, inaaway ko siya tapos, aawayin nya din ako...bihira nya yung gawin sa iba—kahit na hindi talaga siya nagpapaalam o nagpapakita man lang na revenge na pala yung ginagawa nya tapos isang araw, mararanasan ko na lang yung kamalasang dulot nya. Yung ganoon? Kung baga, surprise attack. Ah basta! You get the point tapos kung hinahamon ko naman siya, tititigan niya ako tapos mag sismirk tapos...

Teka! Teka! TEKA NGA!

Pause! Brake!

Hindi BRAKE. BREAK as in BREAK.

Put your right hand in, put your right hand out, put your left hand in and shake it all around...

Stop! Tigilan na nga natin ‘tong kalokohan na to!

BA’T KO BA INIISIP LAHAT NG YUN?! SIYA?! ANG LAHAT NG MEMORIES NAMIN? EH WALA NAMAN AKONG PAKIALAM!

Ugh! Ano ba yeen!

“Dianne. Calm ka lang, okay? Siguro iniisip mo lang yun kasi tapos na yung laban nyong dalawa. Graduate na kayo di ba? Eh di tapos na!” bulong ko sa sarili ko.

Oo tama. Graduate na kami. Binabalikan ko lang yung mga memories namin kasi gusto kong malaman kung sino talaga ang talo sa aming dalawa. Oo yun yoon! At hindi ko rin naman siya makikita muli di ba? So ano pang sense?

My Enemy, My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon