Chapter 21

7.2K 210 26
                                    

CHAPTER 21

"Wake up! Wake up!"

Agad akong naalimpungatan dahil sa magiliw na boses na gumigising sa akin. Binuksan ko ang aking mga mata at doon nakita si Yassi na naka-pusod ang buhok. Ang energetic talaga kahit kailan ng bestfriend ko at the same time, sobrang annoying. Gisingin ba naman ako mula sa pagkakatulog? Ugh.

"Yassi! Maaga pa! Let me sleep." Nag-talukbong ako sa kumot.

"Anong maaga? 1 p.m na, Nadine. Aba'y ang tagal ng naging tulog mo, ah? Hoy! Mahuhuli ka sa Ball niyo!" Pilit niya inaalis ang kumot na nakaharang sa mukha ko. "Hoy, ano ba!"

"Tsss. Ang aga aga pa eh."

"Sinabing late na nga eh! Bumangon ka na nga diyan! Dali na!"

Patuloy pa rin sa pangungulit si Yassi kaya wala na akong ibang nagawa kundi ang bumangon. Tsss, what an annoying bestfriend, I have.

"Nadine! Yassi!" Umalingaw-ngaw sa buong apartment ang boses ni Aling Baby. Ano naman kaya ang kailangan neto't nambubulabog na naman sa amin?

"Po?" Sumigaw pabalik si Yassi. Dali-dali niyang binuksan ang pinto ng aming maliit na silid at saka kumausap kay Aling Baby. "Bakit po Aling Baby? May problema po ba?

"Nandiyan ba si Nadine?"

Naglakad ako sa kinaroroonan ni Yassi saka sumingit sa kanilang pinag-uusapan, "Bakit po?"

"May naghahanap sa'yo sa labas." Strikta niyang sagot. Ang aga aga talagang magsungit netong si Aling Baby. Tsss.

"Sino daw po?"

Napataas ang kilay ni Aling Baby, "Aba'y ewan ko!"

Padabog na umalis si Aling Baby. Pero teka, may naghahanap? Sino naman kaya? Imposible namang si James, busy kaya 'yon sa pagpe-prepare.

Tiningnan ko si Yassi na nasa tabi ko. "Mas mabuti pang bumaba ka muna at tingnan mo kung sino yung nandoon." Ang sabi niya. Tumango naman ako saka dali-daling inayos ang sarili at lumabas na rin pagkatapos.

"Mabuti naman at naisipan mong bumaba, Nadine." Iritadong bungad sa akin ng dalagang anak ni Aling Baby. "Hinahanap ka ng mga 'yon, oh."

Tiningnan ko kung saan banda ang tinuro ni Chin, ang anak ni Aling Baby, at pinuntahan kaagad iyon.

"Ano pong kailangan nila?" Magalang kong tanong.

"Are you Nadine? Nadine Lustre?" Tanong sa akin ng isang baklang sa tindig pa lang ay mapag-aalaman mong professional ito.

"Ako nga. Bakit? May kailangan kayo?"

"Mr. James Reid sent us here. We'll cater you for today's Ball."

James? Pinadala sila ni James dito? Hay, kaya pala ang bilis mag-bago ng mood n'un kahapon. May plano pala. Tsk. Kahit kailan talaga!

"We will do your make up and your hair, Ms."

"Pasensya na ah," Napakamot ako sa aking ulo. "May magme-make up na kasi sa akin, eh." Pagtatanggi ko.

"You mean, Yassi?" Pag-singit ng babaeng nasa late 30's.

"Ah, oo. Yung kaibigan ko." Ba't naman kaya kilala ng mga ito si Yassi?

"Wala na po siya dito sa apartment since pinasundo po siya ng mga MIB ni James."

I can't believe it! James planned it all! I took my phone from my pocket and dialed James' number.

"Yes, Nadine? How's life?" Bungad niya sa akin sa kabilang linya.

Babysitting James Reid's Child {JaDine}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon