Chapter 22

7.7K 216 10
                                    

CHAPTER 22

Habang nasa byahe kami I can't help not to look at James' face. I didn't expect na may mas ikaga-gwapo pa pala ang lalaking 'to. From the eyelashes, eyes, and even the nose. God made it perfect. But the best thing that he's wearing now is his lopsided lips. He's smiling and that gave more highlight in his handsome features.

"Staring is rude, Nadz." I instantly turned my gaze at the street when he said those words. "Ang gwapo ko ba?"

"Of course." Wala sa sarili kong sagot. Agad naman siyang tumawa sa naging reaksyon ko. I turned my attention at the city lights. Pagabi na kaya't ini-on na ng mga taga-hall ang mga ilaw sa daan. Naisip ko tuloy bigla, ano kayang mangyayari mamaya sa Acquaintance Ball?

Sa sobrang pagka pre-occupied ng utak ko'y hindi ko na namalayan na nakarating na pala kami sa basement ng Raddisson Towers, dito sa hotel na 'to gagawin ang Acquaintance Ball namin.

"Let's go?" Inalalayan ako ni James pababa ng sasakyan at hinawakan ang kamay ko. "You look bothered. Are you okay?"

I gave him my assuring smile, "Oo naman. What made you think that way? Okay lang ako, 'no!"

"Good." He squeeze my hand that he's holding. "You should walk with confidence, Nadine. You look so damn beautiful tonight."

I instantly blush, mula kanina'y parang pang-limang puri na 'yan ni James sa akin.

"I know, James. I know." 'Yon na lang ang nasabi ko.

We entered the main door with our hands intertwined. Sabay kaming naglakad sa red carpet at tila parang may spotlight na sa aming dalawa lang ni James naka-tuon. Nakakahiya, nakakailang. Hindi ako sanay sa ganitong atensyon.

You see, my life's just simple. I ain't rich, mas lalong hindi ako maganda at sikat para mapansin ng tao.

"I guess our wedded couple is here. Let's welcome, James and Serene Reid." Bryan's voice is full of joy as he speaks at the microphone. Being the supreme student government's president, kailangan niyang maging emcee for tonight's event.

When we reached our table, James finally let go of my hand, "I'll just get some drinks. Remember don't accept any liquor sa mga hindi mo kakilala. I will be back."

After James left, nilapitan naman kaagad ako ni Joseph. This man... this man who's standing infront of me is very gorgeous. Ang gwapo rin ni Joseph sa suot niyang tuxedo!

"Hi Brad!" He greeted. Nginitian ko naman siya pabalik.

"Naks! Ayos ng porma natin ah?"

"Naman, hiniram ko pa 'to kay Manager Andrei eh." Umupo siya sa upuan sa harap ko saka ako tinitigan.

"Don't stare at me Joseph, naiilang ako."

"Ang ganda mo ngayon, Nadine." Tumawa siya. "Promise! Walang halong biro."

"Sus. Mambobola ka talaga kahit kailan." Tumawa kami ng sabay at sabay ding tumigil at nagtitigan.

Awkward...

Nakatingin pa rin si Joseph sa akin habang ako nama'y hindi makatingin sa kaniya pabalik. Nahihiya ako, eh. Ikaw ba naman titigan ng isang gwapo at matipunong lalaki.

Mas lalo akong nakaramdam ng pagka-ilang ng pinalitan ang background music, from pop to a sweet and slow one.

"Nadine... Sayaw tayo?" He offered.

"Hindi pwede, dude." Pag-singit ni James na nakapwesto na pala sa tabi ko.

"Bakit naman hindi?"

Babysitting James Reid's Child {JaDine}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon