Chapter 9

8.8K 242 10
                                    

CHAPTER 9

6 p.m. na ngayon at kasalukayan ko nang bino-blower ang buhok ni Alyanna. Maaga kaming tumigil sa pagsi-swimming dahil napagod na agad ang bata.

"Mommy Serene, after this I will eat my dinner na po. I want to sleep na po kasi pagkatapos."

"Sige baby, sasabihin ko kay Daddy mo." Sinuklay-suklay ko na ang mahaba nyang buhok.

Bumaba na ako mula sa kwarto ni Alyanna at pinuntahan si James na nagluluto sa kusina, ang hot nga nya kasi wala syang suot na shirt at apron lang ang upper garment nya. Ang gwapo!

"Ehem." I said trying to divert his attention, "James, kakain na daw ng dinner sa Alyanna. She's hungry already."

"Ganun ba? Sige, ihahatid ko na 'tong tray sa kwarto nya."

"Naku! 'Wag na, ako nalang ang maghahatid nyan, okay? So akin na." Kinuha ko na sa kanya ang tray at umakyat na ulit papunta kay Alyanna. Nasa likod ko si James, inaalalayan ako paakyat.

"Princess, kain na!" Sabi ni James pagpasok pa lang namin sa kwarto.

"Hmm, okay daddy." Saka lumapit si Alyanna sa tray at nagsimulang sumubo.

"Serene, sit here." James said while tapping the side of the bed. Lumapit naman ako doon, "Aren't you hungry?"

"Hindi pa. Hindi na siguro ako magdi-dinner, busog pa naman ako eh."

"No, kelangan mo paring kumain. Kahit konti lang. Masama sa health pags-skip ng pagkain."

Tumango ako at hindi na sumagot.

"Mommy, I'm done na po."

"Sige baby. Ibaba ko na itong tray. Matutulog ka na?" I asked.

"Maya-maya po." Sagot nya, "Ay mommy, tulungan ko nalang po kay."

"No na baby, ako nalang ang tutulong kay Mommy." James offered.

Ilang sandali pa ay nakababa na kami at kumain na rin ng dinner.

"Serene, iwan mo nalang sa basin yung mga plato, ipapahugas ko nalang ito sa care taker ng rest house." Sabi ni James na ngayon ay umiinom na ng tubig at hinihintay akong matapos sa pagkain.

"Ako na! Ako na ang maghuhugas ng pinggan."

"WHAT? No! Mapapagod ka pa."

"Sus, sanay naman akong maglinis ng mga pinagkainan eh. Ganito kaya ang buhay ko noon."

"Kahit na," He replied. "Look, ayokong ikaw ang maglilinis neto. Kaya, tara na. Matulog na tayo."

Sasagot pa sana ako pero hinawakan nya na ang kamay ko at hinila na ako.

Dahil nasa kwarto na kami at dinalaw na rin ako ng antok, humiga na ako sa kama. Si James? Ayun, naliligo sa CR. Speaking of James, dito pala sya matutulog sa tabi ko. Kyaaa!

Paglabas ni James sa CR bihis na bihis na sya at ready to sleep na, "Oh? Ba't gising ka pa?"

"Hindi ako makatulog." Sagot ko sa kanya.

"Why?" Eh kasi naman po, hindi ko lubusang maisip na tatabi ka sa akin sa pagtulog. Tsk.

"Uhm, w-wala."

"You're stuttering, tell me, anong problema?"

"Eh kasi naman, eh! Doon nalang ako sa sofa matutulog. Okay lang naman sayo diba? Besides, dito ka pa rin naman sa kama." Pagpipilit ko.

"No! Ayoko, ayoko, ayoko."

"Bakit ba ha?"

Matagal tagal bago sya nakasagot, "I thought okay lang sayo na makatabi ako, pero parang hindi naman kaya ako nalang matutulog sa sofa. Good night, Nadine."

Babysitting James Reid's Child {JaDine}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon