CHAPTER 18
Natapos ang Wednesday, Thursday, and Friday with no fuss. Nothing extraordinary happened, well aside sa Acquaintance Ball na gagawin next week. Ang sosyal namang ng SMU, kailangan pa ba talaga ng ganun?
I got up from my bed and fix myself, after that, bumaba na ako. Naabutan ko si James na umiinom ng gatas sa terrace. So ganun? Parang bata lang?
“Good morning,” Ngiting-ngiti ako habang binabati siya, “May lakad ka?” Napansin ko kasing bagong ligo pa itong si James at bihis na bihis.
“Pupunta tayo ng boutique para sa susuotin natin sa ball,” Naguguluhan niyang sagot, “Wait, don’t tell me hindi kita nasabihan?”
“As long as I can remember, wala naman akong naalalang sinabi mo na may laka tayo eh.” Umiling-iling ako, “Atsaka, hindi nalang kaya ako pumunta ng Ball?”
“Nice joke, Nadine.” He forced a laugh, “No, hindi pwede.”
“Eh bakit naman? Required ba talaga lahat ng students para pumunta doon? Ayoko sana eh, besides wala akong pera pambili ng masusuot.”
“Ako bahala,”
“No need, James Sobra sobra na ang ginawa mo para sa akin. I don’t want you to think that I am just taking you for granted.”
Kumunot ang noo niya, “I didn’t think that way, Nadine. It’s okay with me.”
“Pero sa akin hindi,” I smiled. “James, look, sobrang dami na ng nagawa mo para sa akin. Scholarship, libreng matitirhan, salary. What else? Sobra sobra na ‘yon.”
“Kasi kasama ‘yon sa sweldo mo, Nadine.” Iritado niyang sagot. “You have to attend that ball, Nadine. Gusto kong ma-experience mo ang ganun. Fourth year high school na tayo. Last na ‘to, sayang naman kung hindi mo mae-experience.”
“Fine.” I heave out a sigh, “I-deduct mo nalang sa sweldo ko for this month ang lahat ng magastos ko. Hindi rin naman siguro ‘yon ng One-hundred thousand diba?”
“Bu-“ I cut the words he’s about to say.
“No buts, ‘wag ka ng umangal.”
“Tsss.” He shook his head and finished his milk, “Well, I guess nagkakaintindihan na tayo, so tara na!”
Nagulat na lang ako ng hawak-hawak na ni James ang kamay ko habang kinakaladkad ako papunta sa sasakyan niya. He opened the passenger’s door for me saka ako pinasay rito, “Hoy James, aalis na agad tayo? Wait, hindi pa ako nakapag-breakfast! Uy!” Hindi niya ako pinansin at umikot sa likod ng kotse niya at pumwesto sa driver’s seat.
Before he started the engine tiningnan niya muna ako ng diretso, “Hush. You look good with your Pj’s and sando on.”
I don’t if I’m going to take James’ statement as a compliment or an insult. Sus, porke’t naman pormang-porma siya sa suot niya ang lakas niya ng manlait sa akin. Mukha niya!
Inihinto ni James ang kaniyang magarang sasakyan sa tapat ng Mall. What? Mall?!
“Let’s go inside, Nadz.” He held my wrist and started pulling me.
“What? Ayoko! Papasukin mo aka ng Mall ng naka pajama at sando lang? Hell no, James!”
He smile at me, “Listen Nadine, you look good. At ano namang pake ng mga tao dito sa Mall na ‘to kung ganiyan ang suot mo? Edi magsuot rin sila ng ganiyan kung gusto nila.”
“Eh, nakakahiya kasi talaga eh!”
“Okay, choose. You’ll come with me o iiwan kita dito?”