Chapter 40
3rd Person's POVWalong taon na ang lumipas at nakapagtapos na si Serene ng kursong may kaugnay sa negosyo ng kanilang pamilya. Noong nakaraang araw ang naging graduation niya sa kolehiyo at nagsadya pa talaga ang kanyang mga magulang na bumyahe patungong New York upang makapunta sa graduation ng nag-iisa nilang tagapagmana.
Naging madali na lamang ang mga nagdaang mga taon para kay Serene dahil nilunod niya ang kanyang sarili sa pag-aaral, marahil ay nais niyang makapagtapos ng may karangalan at para magkaroon ng ibang mapaglabasan ng lahat ng kanyang problema sa buhay. Sa katunayan, nag top siya sa board exam nya at tuluyan ng mas nakilala sa New York, sa murang edad ba naman ay nakapagpatayo na siya ng isang clothing line sa bansa. Mas lalong guminhawa ang kanyang buhay kung kaya't wala na siya ibang mahihiling pa—pwera sa kagustuhang mabawi ang kanyang anak na hanggang ngayon ay nasa pangangalaga ng kanyang asawa na si James.
Batid kay Serene ang pangungulila niya sa kanyang nag-iisang anak. Nasa punto na sya ngayon sa buhay niya na gagawin ang lahat para lang mabawi si Alyanna, kahit pa sila'y umabot sa korte. She's that desperate, ikaw ba naman ang pagkaitan ng karapatan sa iyong anak ay hindi ka ba mangungulila? 'Yon na lamang ang tila kulang sa timpla ng buhay niya. Other than that, okay na... perpekto na talaga.
Si Ludwik? He had many relationships with different girls but none of them last longer, kung kaya't sa ngayon ay binibigyan nya na muna ang sarili ng pahinga sa pag-ibig. Iris, on the other hand, also finished her studies and is now employing on her family's company. Katulad ni Ludwik, siya'y wala pa ring kasintahan. She's not rushing things, para sa kanya'y darating lang din naman sa tamang panahon ang lalaking para sa kanya. It's better to wait for the right man than to settle for someone who's not really meant for you. The three of them jives and enjoy each other's company, silang tatlo ang nagsasama-sama kung kaya't unti-unti na ring nakapag adjust si Serene sa ganitong klase ng pamumuhay and she's actually starting to love it.
After making sure na settled na ang branch ng Luster sa New York, Serene, herself is taking a vacay in Philippines. Isang buong buwan niyang inasikaso ang kompanya para sa pag alis niya'y wala na siyang masyadong aalahanin pa. Everything's set, everything seems to be prepared. Ngayon ay pahiga higa na lamang sya sa kanyang kama habang nagsu-surf sa net. Moments like this for Serene is indeed valuable, since she started managing her business, wala na syang masyadong oras na itinitira para sa sarili niya. Nagpakalunod siya sa trabaho hanggang umabot sa puntong nakakaligtaan niya na rin pati ang pagbibigay ng pahinga sa kanyang sarili. Hell, she barely shops now. Hindi na nya gaanong nabibigyan ang ng oras at panahon ang sarili niya. Masyado syang naging abala sa pagpapalago ng negosyo nya which is a good thing kasi unti-unti nang nawawala sa isip at puso nya ang mga mapapait na alaalang naiwan niya sa Pinas—mga alaala nila ni James.
Nakatuon ang buong atensyon ni Serene sa iPad na hawak nya nang biglang tumawag sa kanya si Chandy through facetime.
"God! Nakakagulat ka naman, Chands." Tili niya sa babaeng nasa screen ng iPad niya. Kitang kita ni Serene ang malaking pagbabago ng pisikal na anyo ng kanyang matalik na kaibig. Ang dating mahaba at makintab na kulay itim na buhok ay ngayon ay hanggang leeg nalang at chesnut color na. Labis ang iginanda niya at kitang-kita sa mukha niya ang pagiging isang successful na doctor, sa katunayan ay may nakasabit pang stethoscope sa leeg nito. "I missed you! How's life? I've heard you and John is finally settling down. Grabe ka! Ang dami mo nang nakakaligtaang ikwento saakin."
"Hep hep hep! Stop bombarding me with questions, Serene! Halika, usap tayo."
"Teka nga, ang gulo mo naman eh. Paano tayo makakapag usap eh nasa Pinas ka pa habang ako nandito?"
Marahang tumawa si Chandy sa kabilang linya, "Oh I see, hindi mo pa pala alam. Girl, ano ka ba naman, I'm here sa New York! Too bad nga lang, the day after tomorrow will be my flight back to Phil. Sana pala, pinaalam ko pa sayo ng mas maaga."
"Really?! Hala, edi kung ganoon magkita na tayo. Namimiss na kaya kita. Ako ba, hindi mo namiss? Tara na, Chands! Tara time square!"
"We went there last time na eh." Sagot ni Chandy habang ang isang daliri ay nasa baba niya at kunwaring nag iisip. "Ah, I know na!"
"Ano?" Halata sa boses ni Serene ang excitement habang naghihintay ng sagot galing kay Chandy.
"How about a sleepover there sa place mo? We'll buy chips and liquors! Para din naman hindi maging limited ang time natin, ano! Minsan na nga lang tayo nagkakausap eh."
"Hmmm..."
"Ano ba, Serene! Stop thinking na nga, pumayag ka na. Osya, I'll prepare my pj's na muna ha? And I will bring bikinis din because we'll go swimming! See ya, girl. I'll call you ulit para sa address ha? Mwa!"
Everything went well after Chandy's sleepover. They enjoyed the night, they get wasted. Pinag usapan nila ang tungkol sa mga pinagdaanan ni Serene sa loob ng maraming taon pati na rin ang kagustuhan niya mag file ng annulment kay James at mabawi ang anak niyang nasa pangangalaga pa rin ng dating kabiyak.
"Ma'am please buckle up your seatbelts, sa limang minuto ay lalapag na tayo," Tila natauhan si Serene mula sa kanyang pagka tulala nang marinig ang sinabi ng Flight Attendant.
Ngayon ang uwi niya sa Pilipinas at hindi magkamayaw ang kaba sa kanyang dibdib. Few minutes from now, lalapag na sila. Few minutes from now, mababalikan niya na ang noo'y nasa alaala lamang niya.
When the plane finally landed, she took out her phone to send a message to her parents: Mom, the plane finally landed. Nasaan na po kayo?
She started to get her luggage and went her way to the parking. Sa di kalayuan ay tanaw niya na ang Sedan, from there she saw her parents, waving their hands at her. Tinakbo ni Serene ang distansya niya mula sa kanyang mga magulang at agad silang binigyan ng mahigpit na yakap.
"Anak, it's always been so good to see you! Na miss kita, hija." Sabi ng kanyang ina.
Buong byahe ay nagkwentuhan lamang si Serene at ang mommy niya, paminsan minsan naman ay sumasali 'rin ang kanyang daddy na busy-ng busy sa pagmamaneho. Nag stop over sila sa isang 5-star hotel to dine. Afterwards, nagpatuloy sila sa byahe hanggang sa nakarating sa mansyon.
Pagpasok pa lamang ni Serene sa mansyon ay sinalubong agad siya ng mga nakahilerang kasambahay at driver, paisa-isa siyang binabati ng mga ito ng, "Maligayang pagbabalik., Ma'am!" Labis siyang nasiyahan sa simpleng pagbati ng kanilang mga tauhan. Naging kaakit akit rin sa kaniyang paningin ang unipormeng kulay pula ng kanilang mga kasambahay.
Naging mainit ang kanilang pagsalubong kay Serene at labis siyang nasiyahan rito. It's probably something she missed in New York. Ang masayang pamumuhay, ang pagmamahal galing sa iba't-ibang tao. Doon niya napagtanto na, nasa Pilipinas pala ang kasiyahan niya. This is where she truly belongs. This is the exact place to feel at home. This is her home.