Chapter 43
Pasadong alas-dyes na ng gabi ng naihatid ako ni James sa mansyon. My mom kept on sending messages to my whereabouts. Gabing gabi na raw at hindi pa ako nakakauwi. I smiled at the thought of them worrying at me, para isa lamang akong dalaga't pinagkaiingat-ingatan nila!
"Thanks for today, Serene."
I only nodded in response. I am so tired, drained na ang katawan ko at gusto ko na lamang matulog ng mahimbing. I didn't manage to invite him inside my house dahil sa sobrang pagod ko.
"Anak, you were with James the whole night?" My mom asked as I entered the mansion. Sinalubong niya ako ng halik sa pisngi at batid ko ang pag-aalala sa kaniyang mga mata.
"Yes po," Tipid kong sagot bago nilandas ang daan patungo sa aking kwarto. I took a quick hot bath and made myself comfortable with a pj's. I blow dry my hair before slamming to bed.
Saglit kong binalingan ang cellphone ko para magtipa ng mensahe para kay Alyanna: Baby, I'll pick you up tomorrow, 'kay?
I wonder if my daughter is still awake gayong pasadong pasado alas-onse na ng gabi. My phone vibrated, it was a text from Alyanna: Yes po, mom! See you. I'm going to sleep na po. Good night, mommy. I love you po.
Napangiti ako habang nagtitipa ng reply para sa kaniya: Sleep tight my baby girl, I love you. My daughter hasn't change even a bit, she's still the sweetest. Manang-mana sa kaniyang ama. I closed my eyes as a smile plastered from my face. After years, ngayon na lang ulit ako nakaramdam ng ganitong klase ng kasiyahan.
I woke up earlier than yesterday. Naiset ko ang alarm ng alas-otso y media ng umaga kaya't nagising ako sa ganoong oras. I took a bath and changed clothes.
"Good morning, ma'am Serene!" Masiglang bati ni Nene habang bitbit ang isang tray ng pagkain. "Ang aga niyo po, ma'am ah! Naku, sayang at hindi mo ito naabutan pagkagising," she said referring to the food.
Nilipat ko ang paningin roon. I see rice and sausages, sa tabi nito ay dalawang mansanas at gatas, may note 'ring nakapaloob sa try.
"Para ito saiyo, ma'am. Galing po kay sir James! Saan ko na lamang po ito ilalagay, ma'am?"
"A-ah, sa dining room na lamang, Nene." Bagama't naguguluhan ay sinagot ko pa rin siya. Those are from James? Nanggaling ba siya rito?
"Naku ma'am, ang swerte niyo naman po talaga sa mister niyo. Biruin mo't ke-aga aga ay narito na para maipaghanda ka ng agahan? Sayang nga lang at tulog ka pa!" Ngiting-ngiti si Nene habang nagku-kwento.
"Talaga ba, sayang nga kung ganoon." I replied. Dinampot ko iyong isang note sa tray at binasa, "Smile, beautiful. Yours has always been the most perfect I've ever seen." Hindi ko mapigilan ang pagtakas ng ngiti sa aking labi. How nice it is to feel so loved and special.
After eating, umakyat akong muli para silipin ang cellphone ko. Mamayang after lunch pa ang labas namin ni Alyanna kaya't may mas mataas taas pa akong oras. I texted James, 'Thanks for the breakfast :)' and he instantly replied, No problem. You want me to pick you up later?
I told him I can handle myself na pero he keeps on insisting to pick me up so in the end, he won the argument. Nang malapit na ang oras ay nagpalit na ako ng damit, pumasok ako sa walk-in-closet ko at kinuha ang isang pastel blue na damit, pinaresan ko ito ng isang heels.
