CHAPTER 29
Naiinis na ako sa sarili ko. Parang lahat na lang kasi ng ginagawa ni James ay sobrang nakakahumaling. I know, I shouldn't have this kind of feeling towards him, hindi talaga ako pwedeng ma-in love sa lalaking may anak at asawa na. Sht, I feel like I'm in torn, torn between my mind and my heart.
Idagdag mo pa ang nakakalokang payo sa akin ni Yassi nang tumawag ako sa kaniya kagabi, ang sabi niya, dapat ko na lang sulitin ang mga araw na kasama ko siya dahil three months lang naman daw ang tagal ng paglalaro namin. Besides, sinabi niya rin na pag mahal ko ipaglaban ko raw.
Nakakaloka! Ewan ko ba sa kaibigan kong iyan! Parang may pinag-huhugutan. Hmm, may minahal na rin kaya si Yassi noon? Siguro. Eh ang dali lang kayang ma-attract ng bestfriend kong 'yan sa isang lalaki.
I shook my head trying to discard the thoughts that's running in my mind. Uhm, kumusta na kaya si Joseph? Hindi na kami masyadong nag-uusap ng brad kong 'yon, pag nasa school kasi ay nag-ngingitian lang kami.
"Hi Brad!" was Joseph's enthusiastic greeting. Yes, I called him. Tutal ay free time na rin naman naming ngayon sa classroom ay yayain ko nalang si Joseph na kumain sa cafeteria.
"Hi Joseph, vacant time niyo pa rin naman diba?"
"Yep. What's up?"
"Let's meet? Hindi na tayo masyadong nag-uusap!" Pag kausap ko talaga si Joseph ay feel ko sobrang inii-spoil niya ako.
"Sure, saan mo ba gusto?"
"Hmm," I placed my forefinger under my chin, kunwari nag-iisip. "Sa Cafeteria?" Nag-aalangan kong sagot.
"Then, cafeteria it is. Susunduin pa ba kita sa room mo?"
"No, diretso ka na lang sa cafeteria. Doon na lang tayo magkita. Sige na, see you."
Itinago ko na ang phone ko sa bulsa ng uniform ko saka nilingon si James, nasa likod kasi namin siya ni Bryan nakaupo.
Prente itong natutulog at nakasandal pa ang ulo sa armrest ng upuan niya. Bahagya pang naka-kunot ang kaniyang noo.
"James..." I blurted pero parang hindi niya rin naman ito na rinig.
Panay lang ang pagtawag ko sa kaniya pero hindi pa rin siya umiimik at nanatiling tulog. Hanggang sa hindi na ako nakatiis at tumayo na ako saka umupo sa bakanteng upuan sa tabi niya.
I combed his hair using my fingers. Ba't parang sobrang lalim naman ng tulog neto? Pabulong kong sabi habang hinihipo ang kaniyang noo. Aba, ang init niya!
Natataranta kong kinuha ang phone ko saka nag-compose ng message para kay Joseph.
To: Joseph
Brad pasensya ka na, huwag na lang pala tayong magkita. Sorry, it's just that I have to fix something. Emergency kasi, next time nalang pwede? I promise, I'll make it up to you.
Sent.
Hindi na ako nagpa-tumpik tumpik pa at tinapik ko na kaagad si James para magising na ito. Nararamdaman na ng kamay ko ang init galing sa katawan niya.
Ano ba kasing pinaggagawa ng lalaking ito at nilagnat ng ganito ka grabe?
Iniangat niya ang kaniyang mukha at tiningnan ako gamit ang mapupungay niya mga mata. Pakshet, pati ba naman sa sick-face niya ay kinikilig pa rin ako? Ay ano ba naman 'yan, Nadine! May sakit na nga ang tao at kilig na kilig ka pa rin?
"Uwi na lang tayo? Sobrang init mo na." He nodded, halata sa mukha niya ang pagod.
Kinuha ko na ang mga gamit namin saka siya inalalayan sa paglalakad. Tsk, paano ba 'to? Mahigpit pa naman ang security ng SMU at hindi sila nagpapalabas ng basta-basta during class hours.
![](https://img.wattpad.com/cover/19154171-288-k171703.jpg)