CHAPTER 34
I woke up feeling dizzy and light headed. I was shaking, sweating and gasping for air. Sobrang nahirapan akong huminga dahil sa panaginip ko.
Nagmamaneho ako ng isang sasakyan at nadisgrasya sa daan. Basag ang windshield pati ang mga bintana nito. Nahampas rin ang ulo ko sa manibela ng aking minamaneho.
"Ano ba namang klaseng panaginip 'yon! Nakakapangilabot!" I grumbled to myself. Napatingin ako sa aking kamay at napangiwi ng hawak hawak pala ito ni Joseph.
Tiningnan ko siya at nakapikit ang mga mata niya. He's sleeping. At hindi ko maiwasang hindi manibago sa itsura niya. Mas lalo itong gumwapo at mas nakadagdag pa ng appeal sa mukha niya ang puting hikaw sa kaniyang tainga.
I removed my hands from his grip and just run my fingers at his hair. Hindi niya naiwasang magising dahil sa ginagawa ko.
Pag bukas pa lang ng kaniyang mga mata ay napadako na agad ang tingin nito sa akin. Malaking ngisi ang kaniyang ginawa ng tiningnan niya ako.
"How are you?" His baritone voice sent shivers through my spine.
"I feel better," Pinilit kong maisandal ang likod ko sa headboard ng hinihigaan ko, hindi naman ako nahirapan dahil sa pagtulong sa akin ni Joseph. "Well, bukod sa sobrang weird kong panaginip."
"What is it?"
"I was engaged in a certain car accident. Well 'yon lang ang natatandaan ko eh." I reached for the apple in the table. Bago ko pa makuha iyon ay naunahan na ako ni Joseph.
"Do you want to eat?" I nodded.
Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng pagka ilang dahil sa mga ginagawa ni Joseph. Hindi naman siya ganito ka-gentleman at sweet noon.
"Sinong kasama mo dito?" I asked ng napansin kong kami lang pala dalawa ang nandito sa kwarto.
"Yassi is with me. Kinausap lang siya ng doctor kaya lumabas na muna siya ng kwarto."
Nasa hospital ako dahil balita ko ay nahimatay na naman ako kagabi. Nakakapagtataka na rin dahil palagi na lang akong nagpa-pass out.
Nawala ako sa pag-iisip ko ng nagsimula ng magdaldal si Joseph. Marami siya kinwento sa akin tungkol sa mga nangyari kagabi. Doon ko lang nalaman na si Andre at Yassi pa lang naghatid sa akin dito. Nahiya naman ako bigla dahil sa palagay ko ay ako pa ang rason kung bakit nasira ang party ni Andre. Tsss, sinasabi na nga bang hindi magandang idea ang pagdalo ko sa party na 'yon! Nasira ko pa tuloy.
What do you mean, Nadine? Sino ba kasing nagkusang pumunta doon ha?! I said to myself.
Pinilit kong alalahanin ang lahat at doon ko lang naalala ang naging sagutan namin ni James. Oh God! Nasampal ko pa siya ng dalawang beses! Rinig kong sabi ng aking konsensya. Nagsimula na akong ma-guilty pero na realize ko na hindi pala dapat. Hindi dapat ako makosensya sa pagsampal ko sa kaniya dahil ang sama sama niyang magsalita. Haler, he said that I am a slut! Err—- ang judgemental niya!